Maaari bang makasuhan ng adultery ang kinakasama na mayroong ibangkinakasama?
- BULGAR
- Jun 5, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 05, 2021
Dear Chief Acosta,
Ako at ang aking kinakasama ay hindi kasal bago pa kami magkakilala at habang kami ay nagsasama. Napansin ko isang araw na parang nagbago ang pagtingin sa akin ng aking kinakasama. Nagtanung-tanong ako sa kanyang mga kaibigan at aking napag-alaman na mayroon siyang ibang kinakasama. Tiningnan ko minsan ang kanyang cell phone habang siya ay natutulog at aking nabasa ang mga mensaheng nagpapahiwatig na sila ay nagtalik. Maaari bang makasuhan ng pangangalunya ang aking kinakasama? – Ron
Dear Ron,
Ang inyong katanungan ay binigyang linaw sa Article 333, Chapter 1, Title 11, ng Revised Penal Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:
“Art. 333. Who are guilty of adultery. – Adultery is committed by any married woman who shall have sexual intercourse with a man not her husband and by the man who has carnal knowledge of her, knowing her to be married, even if the marriage be subsequently declared void.
4
Adultery shall be punished by prision coreccional in its medium and maximum periods.
If the person guilty of adultery committed this offense while being abandoned without justification by the offended spouse, the penalty next lower in degree than that provided in the next preceding paragraph shall be imposed.”
Malinaw na sinasabi ng ating batas na ang isa sa mga taong nagkasala ng pangangalunya (adultery) ay isang babaeng ikinasal. Samakatwid, hindi maaaring makasuhan ng pangangalunya ang iyong kinakasama dahil hindi siya kasal.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments