top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Luxury car ang bisyo… P31M NA FERRARI, BAGONG DAGDAG DAW SA KOLEKSIYON NI ALDEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 43 minutes ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 24, 2026



Alden Richards IG

Photo: File / Alden Richards IG



How true na isa na namang luxury car ang nadagdag sa collection ni Alden Richards? 

Ayon sa isang kumakalat na post, ito ay ang Ferrari 296 na nagkakahalagang P31 million.


Mahilig sa luxury cars ang aktor, ganoon din sa mamahaling motorsiklo at bisikleta. 

Kung sakaling totoo ang balita, posibleng regalo niya ito sa kanyang sarili mula sa kanyang kinikita sa showbiz. Investment na rin niya ito na puwede niyang ibenta balang-araw.


Wala namang ibang bisyo si Alden. Sa career, negosyo at pagpupundar ng properties nakatutok ang aktor. 


Bukod dito, marunong namang mag-share ng kanyang blessings si Alden. Tumutulong siya at nagbibigay ng ayuda kapag panahon ng kalamidad. May mga batang pinag-aaral. 

Nagtayo rin siya ng AR Foundation na nakatuon sa pagbibigay ng scholarship sa mga estudyante at may sinusuportahan ding orphanage.





Baby, ‘di agad napasuso…

LOVI, ILANG ARAW BEDRIDDEN AFTER MANGANAK



HINDI pala naging madali kay Lovi Poe ang panganganak sa kanyang first born abroad. Dumanas siya ng HELLP syndrome at pre-eclampsia at ilang araw siyang bedridden at hindi makabangon, dahilan para hindi niya agad makarga ang kanyang baby.


Ayon sa aktres, sobrang groggy niya nang una niyang makita ang kanyang anak kaya hindi niya ito agad mahawakan. 


Nang magising at magkaroon na siya ng huwisyo, agad niyang naisip ang kanyang baby at napagtanto na hindi pa niya ito napapasuso.


At nang makabawi na siya ay naging hands-on mommy siya sa kanyang baby girl na 9 months old na ngayon at lagi niya itong kasama, maging sa kanyang mga shooting.


Hindi niya ininda ang pagod at puyat sa panahon na kailangan siya ng kanyang anak. Ibang-iba raw ang feeling na kanyang nararamdaman sa pag-aalaga. Ito ang experience na hindi niya malilimutan.


Kasama ni Lovi sa pagpapalaki ng kanilang anak ang kanyang British hubby na si Monty Blencowe.


Hindi gaanong exposed sa social media ang kanilang baby girl, kaya nasasabik ang mga fans ng aktres na mas makilala ang kanyang anak.





BUHAY na buhay na naman ang showbiz career ni Rufa Mae Quinto. Bukod sa may mga endorsements siya ngayon, may movie silang gagawin ni Ai Ai delas Alas, kasama sina Roderick Paulate, Wendell Ramos, Kira Balinger at iba pa.


Panay din ang guestings niya sa iba’t ibang TV shows.

Well, mukhang wala nang balak si Rufa Mae na bumalik sa Amerika. Desidido na siyang manatili sa ‘Pinas at buhayin muli ang kanyang career.


Para sa kanyang unica hija, handang itaguyod ni Rufa Mae ang pagpapalaki at pag-aaral ng anak. Paninindigan niya ang pagiging single mom.


For sure, hindi naman mahihirapan si Rufa Mae sa kanyang pagbabalik sa showbiz. Madali siyang makakapag-adjust dahil napaka-down-to-earth niya at marunong makisama sa lahat. Wala siyang pa-diva attitude.


Masayahing tao si Rufa Mae. Kahit lugmok na siya sa problema, hindi siya nagpapatalo. Nananatili siyang matatag at buo ang loob.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page