Lusot sa P1.4 B isyu sa OWWA… PLUNDER AT MALVERSATION VS. ARNELL, IBINASURA NG KORTE
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 13, 2026

Photo: FB Circulated
Nagpapasalamat ang maraming Overseas Filipino Workers (OFWs), mga fans at supporters ng comedian-TV host na si Arnell Ignacio matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang plunder at malversation complaints na isinampa laban sa kanya kaugnay ng kontrobersiyal na P1.4 bilyong land acquisition ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Naging positibo para kay Arnell ang naging desisyon ng Ombudsman na ibasura ang mga naturang reklamo.
Para sa kanyang mga supporters, isa itong hakbang tungo sa pagbibigay ng hustisya sa mga paratang na kanyang hinarap.
Hindi biro ang pinagdaanang hirap ni Arnell nang siya ay tanggalin sa OWWA at kasuhan ng plunder. Dumanas siya ng matinding depression at anxiety, na kinailangan niyang mag-undergo ng therapy.
Mabuti na lang at may mga kaibigan siyang dumamay at nagpayo sa kanya na magpakaabala sa ibang bagay upang malibang. Kaya naisipan niyang magtayo ng lugawan sa Marikina, kung saan dinadayo siya ng mga kaibigan at mga OFWs na kanyang natulungan.
Si Arnell ay hindi basta sumusuko sa mga hamon ng buhay.
WALANG bonggang celebration sa 29th birthday ng GMA Princess na si Barbie Forteza. Tulad ng mga nauna niyang kaarawan, simple lang ang plano ni Barbie, dinner lang kasama ang kanyang pamilya ang nais niya.
Wala siyang karelasyon ngayon, kaya walang romantic date.
Ang masasabi lang niyang early birthday gift ay ang movie niyang Saving Cherry (SC), kung saan kapareha niya si Khalil Ramos.
Pagkatapos ng hiwalayan nila ni Jak Roberto, sa kanyang career nag-focus si Barbie. Sunud-sunod ang ginawa niyang pelikula. Naging hilig din niya ang pagsali sa marathon.
Naghihintay at nagtatanong pa rin ang mga fans nila ni David Licauco kung kailan sila muling pagtatambalin sa serye. Bakit pilit silang pinaghihiwalay at itinatambal sa iba pagkatapos mag-hit ang tambalang BarDa?
BF, ayaw piliting pakasalan siya…
SUE, OKS LANG MABUNTIS NI DOMINIC
NAKIKITA raw ni Sue Ramirez sa katauhan ng nobyong si Dominic Roque na magiging mabuti itong ama dahil mahilig sa mga bata.
Pero wala pa naman sa plano nila na magpakasal at bumuo ng kanilang pamilya.
Well, hindi naman siya tutol kung sakaling magkaroon sila ng anak nang hindi pa nakakasal.
Ayaw ni Sue na i-pressure ang aktor upang pakasalan siya kapag naging preggy na.
Basta sa ngayon ay ine-enjoy nina Sue at Dominic ang kanilang panahong magkasama kaya tahimik ang kanilang relasyon.
Thankful si Sue na may mga projects siyang dumarating. Si Dominic naman ay busy sa kanyang mga negosyo at mukhang wala nang balak balikan ang kanyang showbiz career.





Comments