Lupang ‘di nakarehistro kaninuman, maaari bang angkinin?
- BULGAR

- Sep 23
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 23, 2025

Dear Chief Acosta,
Ang mga magulang ko ay may sinasakang lupain sa probinsya. Nagtanong kami sa munisipyo ng aming bayan at napag-alaman naming hindi nakarehistro ito sa kahit sino mang pribadong indibidwal. Maaari ba naming angkinin ang nasabing lupa dahil kami naman ang gumagamit at nakikinabang dito? – Bryan
Dear Bryan,
Ang mga lupa na hindi pagmamay-ari ng sino mang pribadong indibidwal ay itinakda ng batas bilang pagmamay-ari ng Estado batay sa tinatawag na Regalian Doctrine na nakasaad sa:
Section 2(1), Article XII, 1987 Constitution: “All lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral oils, all forces of potential energy, fisheries, forests or timber, wildlife, flora and fauna, and other natural resources are owned by the State. With the exception of agricultural lands, all other natural resources shall not be alienated. x x x”
Ito ay ipinaliwanag din ng Korte Suprema sa kasong Federation of Coron, Busuanga, Palawan Farmer’s Association, Inc. et. al vs. The Secretary of Department of Environment and Natural Resources (DENR), et. al (G.R. No. 247866, September 15, 2020), sa panulat ni Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo.
“This is in consonance with the Regalian Doctrine that all lands of the public domain belong to the State, and that the State is the source of any asserted right to ownership in land and charged with the conservation of such patrimony. Under the Regalian Doctrine, all lands not otherwise appearing to be clearly within private ownership are presumed to belong to the State. Hence, a positive act of the government is needed to declassify a forest land into alienable or disposable land for agricultural or other purposes.
The burden of proof in overcoming the presumption of state ownership of the lands of the public domain is on the person applying for registration that the land subject of the application is alienable or disposable. xxx”
Sang-ayon sa mga nabanggit, ang ano mang lupain na hindi pribadong pagmamay-ari ay itinuturing na pag-aari ng Estado. Kaya’t sa iyong kalagayan, hindi sapat na walang nagmamay-ari sa lupa at kayo ang umookupa o gumagamit dito upang angkinin ito. Mas makabubuti kung inyong aalamin ang pag-uuri ng nasabing lupa kung ito ba ay mahahanay sa tinatawag na alienable public lands. Dahil kung ito ay nasa ganoong uri ng lupa at inyong mapatutunayan ang inyong iba pang kuwalipikasyon sang-ayon sa batas ay maaari kayong magpasa ng aplikasyon upang ito’y maigawad sa inyo.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.








Comments