top of page
Pokwang.jpg

Lumipat sa Siyete… RICHARD YAP, INAAYAWAN NG FANS DAHIL 'DI PANG-MASA

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 4, 2021




Tiyak na hindi maninibago si Richard Yap sa kanyang pamamalagi sa GMA Network.


Welcome na welcome naman siya sa lahat ng Kapuso artists at maging sa mga staff ng show kung saan siya nagge-guest.


Nagri-reach out naman siya sa lahat at okey makisama kaya hindi naman siguro mai-insecure sa kanya ang ibang Kapuso actors lalo't magkakaiba naman ang level nila bilang mga artista.


In time, masasanay din si Richard Yap sa bago niyang studio.


Inaabangan na rin ng kanyang mga fans ang I Left My Heart in Sorsogon na pagtatambalan nila ni Heart Evangelista. Si Richard ang napiling ipareha kay Heart at mukhang bagay naman sila. Hindi kasi nalalayo ang edad ni Richard kay Sorsogon Governor Chiz Escudero na mister ni Heart.


May pakiusap lang ang mga netizens na suki ng mga serye ng GMA Network. Masyado raw kasing stiff at formal na formal ang personalidad ni Richard na tulad ng kanyang character noon sa Be Careful with My Heart. Sana naman daw, ngayong nasa Kapuso Network na siya ay magkaroon ng transformation at makita nilang naka-casual wear lang ang aktor. 'Yung naka-maong pants at t-shirt lang. Mas gusto ng mga viewers na masang-masa ang mga artistang kanilang pinanonood sa telebisyon.


Puwede ring i-guest si Richard sa Idol sa Kusina at Taste Buddies dahil in real life, magaling magluto ang aktor. At puwede rin siya sa musical show dahil singer naman siya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page