Lumayas ng 'Pinas… ERWAN, SA MALIIT LANG NA BAHAY ITINIRA SI ANNE SA AUSTRALIA

Julie Bonifacio - @Winner | December 20, 2020

Madrama ang recent video ng mister ni It's Showtime host Anne Curtis na si Erwan Heussaff sa kanyang social media account.
Now lang daw ulit nag-upload ng video si Erwan after quite some time. Baka kasi na-busy si Erwan being a house husband and doting father muna to his beautiful wife and daughter.
Sa umpisa ng video, mapapanood na Erwan is driving on a long road papunta sa Macedon Ranges, Victoria in Australia.
Para kay Erwan, driving is therapeutic. On the road, kasama niya si Anne at ang unica hija nila na si Dahlia.
"It's like when you're hiking in a forest and all you can hear is the echo of your own footsteps, constantly looking behind you seeing if you're being followed yet walking forward on a rhythmic beat," pagna-narrate ni Erwan.
Ipinasilip ni Erwan sa video ang inupahan nila na "maliit na bahay" sa gitna ng kabundukan at sa paligid nito ay kagubatan.
Sa Instagram ni Anne, makikita naman ang mga larawan niya with Dahlia and around the area and with Erwan outside naman of the "tiny home getaway," na caption niya on her post.
Super emote pa si Erwan, "These are the emotions that I longed for this year, being in control of your own isolation, you know."
Pagkatapos, may portion sa video na nasa loob ang Heussaff fam ng kanilang "tiny home getaway", ang higaan at lutuan nila ng pagkain.
At habang nagkakape ang mag-asawa, tinanong ni Erwan si Anne about the things she missed the most.
Sagot ni Anne, "Just being outside. I feel like we've taken so many things for granted over the years. Going into the woods, dipping my toes in the cold river, falling asleep under the stars and just the idea of belonging to something..... waking up with nothing to do for the day."
Malaki raw ang naging bahagi ni Dahlia for them to appreciate at magpasalamat for the things they have in life.
"She's really taught us to slow down and appreciate what's around us and be grateful for what we have," lahad ni Anne.
Sumakto talaga kay Anne ang pagpunta niya sa Australia last year para ru'n isilang si Dahlia.
Sa dami ng nangyari sa 'Pinas, nasabay pa ang pagdi-deny ng franchise sa ABS-CBN, mukhang she's in a better place sa Australia.
Although, feeling namin, miss na rin ni Anne ang humarap sa kamera at makabalik sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
At kung miss na ni Anne ang It's Showtime, sure kami na miss na miss na rin siya ng "madlang pipol" at ng mga kasamang hosts gaya nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Jugs and Teddy, Amy Perez at iba pa.
Ang It's Showtime ay napapanood mula Lunes hanggang Sabado, 12 nn sa A2Z Channel 11, iwantTV, TFC, Kapamilya Channel, Kapamilya online, at iba pang platforms ng ABS-CBN.





Comments