Lumakas ang self-confidence… JANINE, NATUTONG MAGPAKATOTOO DAHIL KAY ECHO
- BULGAR

- May 3
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 3, 2026

Photo: Jericho Rosales at Janine Gutierrez - Instagram
Masayang-masaya si Janine Gutierrez na muli niyang makakatrabaho ang boyfriend na si Jericho Rosales, this time, sa isang psychological series na The Loyalty Game (TLG) under Star Creatives.
Matatandaang unang nagkasama ang dalawa sa seryeng Lavender Fields (LF) noong 2025, at dito rin nagsimula ang kanilang relasyon.
Ayon kay Janine sa panayam ng ABS-CBN, sobrang excited siya sa bagong serye dahil bukod sa challenging ang kanyang role ay muli pa niyang makakasama si Echo.
“Exciting kasi sobrang ibang-iba s’ya na kuwento sa Lavender Fields and I’m so happy to be given another opportunity to work with him sa iba namang kuwento at iba namang team,” sey ng aktres.
Dagdag pa niya, “It’s also my first time working with Star Creatives at patuloy lang talaga akong nagpapasalamat sa mga opportunities na dumarating. Parang even if ilang years na rin ako rito sa ABS-CBN, parang palaging may something new and something better and something bigger, at part na rin ang pagsali ko sa Star Magic.”
Mas okay na rin daw ang working relationship nila ni Echo ngayon dahil mas kilala na nila ang isa’t isa.
“We know each other better now so parang walang awkwardness pagdating sa mga eksena. ‘Yung team niya at ‘yung team ko sa set, parang isang buong pamilya na rin. He’s worked with Star Creatives din mula sa Pangako Sa ‘Yo days pa lang, so excited ako to be part of a family na matagal na n’ya talagang kakilala at ka-work,” saad ni Janine.
Ibinahagi rin niya na napakarami niyang natutunan kay Echo pagdating sa trabaho bilang halos 30 years na rin ang aktor sa showbiz.
“Well, ako, sobrang dami kong natututunan sa kanya kasi this is his 30th year na. Magse-celebrate siya ng 30th year this year so ang dami n’yang knowledge pagdating sa set, pagdating sa collaborating with the team. Sobrang professional n’ya, sobrang down-to-earth, sobrang friendly sa lahat ng tao. As in, super,” papuri ni Janine sa BF.
“So, parang dahil sa kanya, pakiramdam ko, mas naging open din ako at komportable na maging myself saanman,” aniya pa.
Malaki rin daw ang naitulong ng aktor para mag-gain ang kanyang self-confidence.
“Sobrang nakatulong din s’ya sa confidence ko kasi minsan, feeling ko pa rin na baguhan ako. Ewan ko, parang in my head lang. Pero he always reminds me na maganda ‘yung work at kung ano ‘yung kaya kong gawin, to not be afraid to be seen,” pahayag ng aktres.
Mister, suportado nu’ng wala pang datung…
KZ, TUWANG-TUWA NA BINIGYAN NG CHANEL BAG NI TJ
Ang bongga naman ni TJ Monterde dahil binigyan niya ng isang luxury bag ang kanyang wifey na si KZ Tandingan bilang surprise gift.
Makikita sa video na in-upload niya sa kanyang Instagram na inaabot niya sa tuwang-tuwang misis ang Chanel bag na naka-box pa.
Pero ang nakaka-touch at nakakakilig ay ang caption ni TJ kung saan ay nagbalik-tanaw siya sa panahong wala pa siyang pera pero laging nariyan si KZ na sumusuporta sa kanya at naniniwalang darating din ang kanyang panahon.
“A few years ago, when my bank account only had a few thousands, she would smile and say, ‘Darating din tayo diyan—maaabot mo rin ‘yan. Bibilhan mo pa nga ako ng bag, ‘di ba?’” kuwento ni TJ.
“Back when it felt impossible, you already saw it done—and I’m not even talking about the bag,” sey pa niya.
“Thank you for believing in me, babi. Since day one. Je t’aime,” ang mensahe pa ni TJ sa misis.
Sa comment section ay mababasa ang kilig ng mga fans at hanga sila sa pagmamahalan ng dalawa, gayundin sa pagiging ever-supportive wife ni KZ kay TJ.
“At ‘yun na nga! Yehey! But aside from the ‘finally her dream bag,’ nakakakilig din ‘yung part na ‘andiyan talaga s’ya palagi to cheer for you, support you, and believe in you. Part talaga s’ya ng every ‘darating din’ at ‘lahat matutupad’ moments mo. I love you two so much,” sey ng isang fan.
“Behind every successful man is a very supportive and understanding wife,” komento naman ng isa pang netizen.





Comments