top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lumabas sa serye ni Coco… SIGAW NG NETIZENS: JANE, BANONG UMARTE!

BULGAR
Apr 23, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 23, 2021




Nanawagan si Jane de Leon sa mga followers niya na i-report ang impostor-poser niya sa Facebook.


Ani Jane (in all caps): “GUYS I NEEDED YOUR HELP.”


Isang poser kasi ang gumagamit ng kanyang FB account.


“PLS REPORT THIS PAGE,” ayon pa sa bida ng upcoming seryeng Darna.


Ang poser account ni Jane ay umaabot na sa 3.3 million followers.



Kaya reaksiyon ng netizen, “Na-insecure si ate kasi mas kabog pa ng fake account.”


May nagtanggol naman sa future Darna, “Hindi sa pagiging insecure 'yan. Kahit sino, magwo-worry sa panahon ngayon kung may poser ka. Tapos, 'yan, milyon pa ang followers. Eh, kung magkalat ng fake news 'yan? Paano mako-control nu'ng original owner ng identity?”


“Napaka-nega n'yo po. Ikaw po yata ang insecure kay Jane. Dapat ba, pabayaan lang niya? Pa'no kung mag-post 'yun ng kung anu-ano kahit 'di totoo, eh, di maraming maniniwala kasi 'di naman nila alam na fake account pala 'yun. 'Kaloka, basta lang makapag-bash,” sabi pa ng isang fan ng aktres.


Isang netizen naman ang nagtanong kung si Jane raw ba ang nasa Ang Probinsyano ni Coco Martin.


“Is she the one in Ang Probinsyano? Sadly, she can’t act. So amateurish and awkward ‘acting’.”


Hala, napansin din pala ng netizen ang napansin namin sa acting ng ipinu-push na maging Darna ng ABS-CBN.


Katunayan, may nagsasabi ngang mas mainam pa raw sana kung si Charlie Dizon na lang ang gawing another Darna.


Mas charming pa raw at marunong umarte ang new Best Actress ng Metro Manila Filmfest 2020.


'Yun na!!!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page