LUIS, NAPIKON NANG SABIHANG BUTI 'DI SIYA KAMUKHA NG ANAK
- BULGAR
- Mar 6, 2024
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | March 6, 2024

Nagbahagi ng mga cute na larawan ni Baby Rosie ang TV host na si Luis Manzano sa Instagram feed niya.
Naaliw ang mga netizens sa photos na ishinare ni Luis.
Ang caption ng celebrity dad, "Ayyyyy suuuuuus ang arte-arte na ni Peanut."
Isang netizen naman ang nagkomento na ikinairita ni Luis.
"Buti na lang talaga, hindi kamukha ni Luis," sey ng netizen.
Resbak na sagot ni Luis na idinaan sa biro, "Wow, hiyang-hiya kami sa kilay mong angry birds."
Marami ang nakapansin na ang laki na raw ng ipinagbago ng anak nina Ate Vi (Vilma Santos) at Edu Manzano mula nang magkaroon ng anak. Hindi na raw ito patola sa mga netizens na nagko-comment kapag hindi gusto ang sinasabi ng mga ito.
Ngayon daw ay idinadaan na lang niya sa biro kapag nagre-reply.
Iba na talaga kasi kapag may anak, maraming puwedeng magbago, lalo pa kung bibung-bibo katulad ng anak niyang si Baby Peanut (Isabella Rose Tawile).
Sino ba naman ang hindi maaaliw sa kakulitan ng bagets na ito at ang nakakahawang halakhak kapag tuwang-tuwa?!





Comments