LUIS AT JESSY, NAGPA-CIVIL WEDDING NU'NG FEB. 21, BEACH WEDDING SA DECEMBER SA PALAWAN
Julie Bonifacio - @Winner | April 5, 2021

Inilabas na nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang naganap na wedding nila sa latest vlog sa YouTube channel ng misis ng Kapamilya host.
Ikinasal sina Mr. & Mrs. Manzano sa The Farm sa Lipa City, Batangas via civil wedding last February 21.
Si Mayor Eric B. Africa ng Lipa City, Batangas ang nagkasal kina Luis at Jessy.
Sa tulong ng aming source, nagpaunlak sa BULGAR ng eksklusibong pahayag sina Luis at Jessy sa naganap na civil wedding nila.
Ayon sa bagong kasal, napaka-intimate ng kanilang wedding sa The Farm na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan out of showbiz. Katunayan, ni hindi raw aabot sa 20 katao ang nandoon.
Ayon kay Jessy, biglaan lang ang desisyon nila ni Luis na magpakasal sa huwes.
"Supposedly, dapat June ang full wedding pero nag-decide kami na i-move na lang sa December at mag-civil na lang muna ng February," lahad ni Jessy.
Pero si Luis daw ang nakapag-isip na sa The Farm na lang gawin ang kanilang civil wedding.
Ang photographer sa wedding ay si Pat Dy at ang nag-edit ng video ay si Rex Atienza.
"Si Patricia Santos ang gumawa ng wedding dress ko and si Paulo Lazaro naman ang suit ni Luis. Sina Patty Yap and Rex Atienza ang nag-style sa ‘min," sabi ni Jessy.
Paliwanag ni Luis, hindi naman sila nahirapang mag-prepare for their civil wedding.
"Medyo kailangan lang magbawas ng tao talaga para safe ang lahat. Kinailangang i-follow lahat ng safety protocols kasi mas importante ‘yun.
"Biglaan lang ang civil wedding because honestly, nothing is certain but we do not regret one single bit of our decision. Halos 3 weeks lang ang preparation namin."
Pinasalamatan ni Luis ang organizer/coordinator at kaibigan nila ni Jessy na si Joanne Angeles dahil nagawa niya ang lahat ng pag-aasikaso at pagma-mount sa wedding.
Tinanong namin ang bagong kasal kung kumusta ang pagsasama nila sa loob ng mahigit isang buwan.
Sabi daw ni Luis kay Jessy, "Ang laki ng dagdag na kilig sa pakiramdam ng pagiging kasal.
"Masaya kami na finally, nagawa na namin ang isa sa pinakaimportanteng bagay para sa ‘ming dalawa."
Wala pa naman daw adjustments na ginawa ang bagong kasal. Sinisigurado lang daw nila na nakikinig sila sa isa't isa.
Supposed to be, sa Amanpulo sa Palawan sila magha-honeymoon ni Jessy.
"Pero nag-iingat muna kami, kaya puwede namang mag-antay muna ang honeymoon."
After ng kanilang civil wedding, nagsimula na sina Luis at Jessy sa mga plano nila for their beach wedding sa December.
"Kasi siyempre, hindi naman madaling magplano ng kasal. Pero hopefully, talagang makauwi ang parents ni Jessy for the full wedding."
Sa mga nakaraang vlogs ni Jessy sa kanyang YT channel ay nabanggit niya na gusto niyang ikasal sa buwan ng December na kanyang birth month.
Si Patricia pa rin daw ang gagawa ng wedding gown ni Jessy at si Paulo naman sa suit ni Luis.
Pagri-reveal pa nila, sa Palawan gaganapin ang kanilang beach wedding.
"Gusto namin sa tabing-dagat sana, kasi pareho kaming mahilig sa beach."
Ang Manila Diamond Studio na nag-design ng engagement ring ni Jessy ang gumawa rin ng wedding ring nila.
"Sila ang nakaisip ng unique na design na pink diamonds ang ilagay sa wedding band ni Jessy."
Ang wedding ring na isinuot nila during their civil wedding ang siya ring singsing na gagamitin sa kanilang December wedding.
"Yes, ang wedding bands namin ay same lang sa gagamitin namin sa full wedding namin," say ni Luis.
Tiyak na curious ang marami kung kasingmahal din kaya ng engagement ring ni Jessy ang halaga ng wedding ring nila.
But sakaling hindi man kasingmahal ng engagement ring na ibinigay ni Luis kay Jessy na worth P5 milyon ang wedding ring nila, ang mahalaga ay 'yung priceless na pagmamahal nila sa isa't isa.
Congrats, Luis and Jessy! More apos para sa inyong Momskie na si Congresswoman Vilma Santos-Recto.





Comments