top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Lubog na sa utang, lubog pa sa baha, kawawa naman ang ‘Pinas!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 16, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez



DAPAT ISAMPA NA NG OMBUDSMAN SA SANDIGANBAYAN ANG KASONG PLUNDER PARA KAY CONG. ROMUALDEZ – May pagdududa sina Vice President Sara Duterte, Navotas City Rep. Toby Tiangco at Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice kung magkakaroon ng katotohanan ang posibilidad na maipakulong ng Marcos administration si Leyte 1st District Rep. at dating Speaker Martin Romualdez.


Para maalis ang pagdududang ’yan, dapat isampa na ni Ombudsman Boying Remulla sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Cong. Romualdez para malabasan na ito ng warrant of arrest at maikulong na sa city jail. Boom!


XXX


‘PINAS, LUBOG NA SA UTANG, LUBOG PA SA BAHA! – Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na posible raw pumalo sa P21.48 trilyon ang utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo pagsapit ng pagtatapos ng 2027.


‘Yan ang hindi kagandang nangyayari sa Pilipinas—lubog na sa utang, tapos kada tag-ulan, lubog pa sa baha. Tsk!


XXX


SI NAGA CITY MAYOR LENI ROBREDO LANG ANG PUWEDENG LUMABAN SA  KORUPSIYON SA BUONG ‘PINAS, KAYA LANG WALA ITONG PLANONG KUMANDIDATO SA PAGKA-PRESIDENTE – Ayon sa kasalukuyang ulat, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na ang kanyang ie-endorso sa pagka-presidente sa 2028 presidential election ay ang kandidatong magpapatuloy ng kanyang kampanya laban sa korupsiyon.


Ang problema rito, wala sa mga miyembro ng Gabinete at maging sa mga kaalyado ni PBBM ang may malinaw na pamantayang kayang tumindig at lumaban sa korupsiyon. At kung mayroon mang maaaring lumaban sa katiwalian, ito ay si Naga City Mayor at dating Vice President Leni Robredo, dahil sa kanyang matagal nang platapormang nakasentro sa “good governance.”


Kaya lang, hindi naman ito tatakbo sa 2028 presidential election. Makailang beses na nitong sinabi na muli siyang tatakbo bilang mayor ng kanilang lungsod at hindi siya kakandidato sa national position sa halalan sa 2028. Period!


XXX


MABABATIKOS NA NAMAN ANG MARCOS ADMIN DAHIL INAASAHAN NG PUBLIKO ANG SUNOD-SUNOD NA ANG OIL PRICE ROLLBACK, PERO MAY OIL PRICE HIKE NA NAMAN NEXT WEEK – Noong August 11, 2026 ay nagkaroon ng oil price rollback at pagkaraan niyan ay inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na magkakaroon na naman ng oil price hike next week.


Dahil diyan ay asahan na ng Marcos admin na batikos na naman aabutin nila sa publiko, kasi ang inaasahan ng mamamayan ay sunud-sunod na ang rollback, at hindi 'yang panibagong oil price hike. Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page