Loyal kay Maine… KATHRYN, PINALAGAN NG FANS PARA KAY ALDEN
ni Beth Gelena @Bulgary | Abril 5, 2024

Lumulutang na naman ang AlDub Nation dahil kay Kathryn Bernardo.
Umalma umano ang mga ito sa sweetness ni Kathryn at ng idol nilang si Alden Richards.
Lumikha kasi ng ingay ang sweet video ng Kapamilya actress at ng Kapuso actor.
Marami kasi talaga ang kinilig sa dalawa, ngunit meron ding mga kumontra tulad ng AlDub Nation na tagahanga ng tambalang Maine Mendoza at Alden Richards since 2015.
Kaya naman, trending sa X ang AlDub kasabay ng pag-trending ng video nina Alden at Kathryn. Kinontra ng AlDub Nation ang ka-sweet-an nina Kathryn at Alden nu'ng dumalo sa 28th birthday ni Kath ang actor.
Hindi pa rin natitinag ang pag-asa nilang 'magkakabalikan' pa rin sina Maine at Alden.
Ayaw nilang magising sa katotohanang may asawa na si Maine at ‘yun ay ang actor-congressman na si Arjo Atayde.
Marami naman ang nagpakita ng suporta at pagtanggap sa bagong balik-tambalan ng KathDen.
Well, una silang nagkasama sa Hello, Love, Goodbye kung saan itinanghal silang Asian Blockbuster Movie of All Time nu’ng ipinalabas sa sinehan ang kanilang movie together.
Anyway, ang AlDub Nation ay kilala sa kanilang matinding paghanga at pagmamahal sa kanilang mga idolo.
Patuloy silang nagbabahagi ng kanilang mga opinyon at damdamin sa social media kapag ang topic ay ang hinahangaan nilang AlDub (Alden at Yaya Dub).
Ilan sa mga komento ng mga ito sa larawan nina Kathryn at Alden na viral sa social media ay:
“Gurl, mag-isip-isip ka. If you have self-respect, huwag ka pumatol sa may asawa’t mga anak.”
“Kahit ano pang ilabas nila, sa totoo lang kami... Ang mag-asawa ay sina Maine at Richard w/ 3 beautiful kids."
O, ‘di ba? Reels pa rin ang nasa isipan ng AlDub at ayaw nila sa real talk lang, huh!
Talagang umaasa pa sila kahit na may kani-kanya nang buhay ang dalawa sa showbiz.





Comments