LOVI, BALIK KAY COCO AFTER NG KASAL
- BULGAR
- Aug 23, 2023
- 1 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 23, 2023

inakala ng iba na dahil ikakasal na si Lovi Poe sa kanyang fiancé na si Monty Blencowe ay hindi na ito babalik sa FPJ’s Batang Quiapo at kaya siya napapanood pa ngayon ay dahil nag-advanced taping nga siya.
Mananatili si Lovi bilang si Mokang sa BQ dahil kahit may asawa na siya ay siya pa rin ang leading lady ni Coco Martin as Tanggol.
Balita namin na magte-taping ulit ang aktres ngayong September at sabay silang aalis ni Coco patungong Milan, Italy para sa guesting nila sa programang A.S.A.P. Natin ‘To na gaganapin sa September 10.
Samantala, base naman sa mga Insgtagram posts ng aktres ay ini-enjoy niya ang kanyang bakasyon sa UK by doing some cardio exercise which is running.
Ang caption ni Lovi sa mga larawang ipinost niya: “In it for the long run #LoviYourBody.”
May video post din siyang naka-two-piece na pose-pose lang ang drama na inakala ng mga followers niya ay magti-TikTok siya.
Ang caption ulit ng aktres: “Yes, yes, yes, I’m feeling pretty cheeky so I’m hopping on this trend.”
Ang daming kapwa celebrities ni Lovi na nagsabi ng “Grabe naman yaarn” tulad nina Darla Sauler, Kakai Bautista, Anne Curtis Smith at iba pa.
Aliw ang komento ng netizen na si @_kkristan, “Tama ka na, Mokang! Maawa ka naman kay Tanggol! Nakakulong na nga, eh!”
Sinundan din ni @mcliamjoseph1422, “Wow... Mokang, magalit si Tanggol diyan sa suot mo.”





Comments