Love triangle kay Andrea? FRANKIE, BALIK-PINAS NA, JOIN SA B-DAY CELEB NI KYLE
ni Julie Bonifacio @Winner | June 23, 2024

Umuwi na pala ng Pilipinas ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan na si Frankie.
Malamang ay bakasyon na si Frankie from her studies sa New York.
Ipinost niya ang series of pictures niya while preparing and during the birthday celebration of Kyle Echarri.
Isa sa mga pictures na nagulat kami ay 'yung kasama ni Frankie ang rumored couple na sina Andrea Brillantes at Kyle (the birthday boy), plus ang ibang young celebrities gaya ng kambal nina Carmina and Zoren Legaspi na sina Cassy at Mavy, Leon Barretto (anak nina Marjorie Barretto and Dennis Padilla), Erika Poturnak (anak nina Ina Raymundo and Brian Poturnak), Lorin Bektas (anak nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas), and Samantha Cruz (Sunshine Cruz and Cesar Montano's daughter).
Sila ang new breed ng showbiz royalties ngayon.
For sure, ang ganda nilang panoorin sa isang movie o drama series na magkakasama.
Bagay sa kanila ang tawag na ‘Brat Pack’ na nauso nu’ng dekada '80 na kinabibilangan ng mga Hollywood young stars kung saan kasama sina Demi Moore and Rob Lowe.
Anyway, nakakaintriga ang caption ni Frankie sa kanyang Instagram (IG) post, ha?
Sey kasi ni Frankie, “Came out of hibernation for @kyleecharri.”
Naku, ha? Baka bigla na lang nating mabalitaan na may nabuo nang “love triangle” kina Andrea, Kyle at Frankie.
Pumalag kaya ang KyleDrea fans?





Comments