LORIN, PROUD NA CASH BINILI ANG P2M WORTH NA MERCEDES BENZ
- BULGAR
- Sep 21, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 21, 2023

Buong pagmamalaking inilantad ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Bektas ang kanyang brand new and expensive car, ang Mercedes-Benz GLA250 habang nag-aaral sa Los Angeles, USA.
Tumataginting na mahigit P2M ang halaga ng Benz ni Lorin. And take note, super proud pa siya dahil fully paid na agad ang kanyang brand new car at binayaran niya in cold cash, ha!
Ikinuwento ni Lorin sa kanyang video na naka-post sa TikTok ang bagong milestone sa buhay niya habang nakasakay sa loob ng kotse.
“It is fully paid for by me and I bought it in cash,” proud na sabi ni Lorin sa video.
Pagpapatuloy pa niya, “I got this car about a week ago and wanted to wait a little bit, drive it around, and make sure I loved it, before I announced it or told anyone about it. But I am actually obsessed, you guys.”
Sa mga nagtataas ng kilay diyan at nagtataka kung paanong nagkaroon agad ng milyones na pera ang 20-year-old LA student, pinasalamatan ng anak nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas ang kanyang mga followers and subscribers sa mga socmed accounts niya, especially sa YouTube at TikTok.
Nasa 234K na ang kanyang subscribers sa YouTube under the name, Lorin Gutierrez at may 1.1M naman siyang followers sa TikTok under her real name, Lorin Bektas.
Paglalahad ni Lorin, “To anyone who's ever followed me, watched one of my videos, supported me, thank you so much.
"Without you, I would not be able to have this and I am so, so incredibly blessed and grateful... I thank God for each and every one of you guys and pray for you every single night of my life because honestly this is just.”
Si Lorin mismo ang nagda-drive ng kanyang MB GLA250 sa US.
Can you just imagine kapag umabot na sa 30 ang edad ni Lorin, baka mansion na ang naipatayo niya, ‘di ba?





Comments