top of page

Loman, masusukat na ang kaastigan Vs. Bibiano

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 3, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | November 3, 2022



ree

Nais aniyang malaman ni Team Lakay stalwart Stephen Loman kung hanggang saan ang kanyang kakayahan kontra Brazilian Bibiano Fernandes.


Masasalang sa bantamweight division ang 27-anyos na si Loman sa world’s largest martial arts organization at titiyakin ni “The Sniper” ang pangarap niyang World Title ay magkatotoo sa sandaling makaharap ang Brazilian legend na alam niyang ang laban kay "The Flash" ay pahirapan.


Nagkaroon na ng katuparan ang asam ni Loman na sumalang sa main card ng ONE sa Prime Video 4" Abbasov vs. Lee sa Singapore Indoor Stadium sa Nob. 19.


Mga sakalam na challenge sa kanilang career ang kakaharapin ng Team Lakay fighter at isa itong World title eliminator para sa 145 pound ranks. “In the past, I thought I was going to be matched up with him, but that didn’t happen. So for sure, my excitement for that match is still there. He’s the guy who defeated Kuya Kevin [Belingon], so I want to face him to see where my level is at right now.”


Sa kabilang banda si Fernandes ay naagawan ng golden belt ni John Lineker sa kaagahan ng taon, pero nanatiling ranked #1 sa division. Tantiya ni 4th ranked Loman na magwawagi siya kay Fernandes at isang hakbang na lang ang kailangan niya para sa bakanteng ONE Bantamweight World Title.


Hawak ng Pinoy fighter ang 16-2 professional MMA record at nakasabay sa 10-fight winning streak.


Pakiwari ni Loman sa ONE ay ipapasok siya sa loob ng kulungan ng leon, pero tiwala siya mula nang talunin niya si BJJ black belt Yusup Saadulaev sa kanilang ONE debut noong 2021.


Hawak din ni Loman ang momentum ng dominanteng panalo kontra Shoko Sato sa ONE X noong Marso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page