LOLIT, GALIT PA RIN SA UGLY FAT LADIES NA NAKAPALIGID KAY BEA
- BULGAR
- Nov 27, 2023
- 1 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 27, 2023

Masaya ang veteran showbiz columnist/talent manager na si Lolit Solis na nagkaayos na sila ni Bea Alonzo lalo pa nga’t magpa-Pasko na.
Sa kanyang Instagram post kahapon, ayon kay ‘Nay Lolit ay matagal na niyang napag-isip-isip ang kanyang pagkakamali nang i-bash niya noon nang bonggang-bongga si Bea.
“Tuwa naman ako na nagkita at nagbati na kami ni Bea Alonzo. Nagsimula lang naman iyan sa Start Up na pinagsamahan nila ni Alden Richards. Bashing ang napala ko dahil du’n, at sa kagagahan ko, pinatulan ko naman na ang naging biktima, si Bea Alonzo.
“Kaya nga nang ma-realize ko na mali ako noon pa, balak ko nang mag-apologize kay Bea at nangyari iyon sa birthday ni Rhea Tan ng Beautederm,” pahayag ni ‘Nay Lolit.
Ngayon daw ay nawala na ang kanyang guilt sa ginawa niyang pamba-bash kay Bea pero may hugot pa rin siya sa aniya’y mga taong nakapaligid sa aktres.
“Kaya natuwa ako dahil now, nawala na guilt ko kay Bea pero galit pa rin ako sa mga Ugly Fat Ladies na hanggang ngayon, nakatanga sa paligid ni Bea, hah hah! Imagine mo na kaming 3 nina Salve at Gorgy, ipa-cancel at ipa-ban, expelled pero heto, nandito pa rin,” aniya.
Naganap ang pagbabati nina Bea at ‘Nay Lolit sa bonggang birthday celebration and thanksgiving for the entertainment press ni Miss Rhea Anicoche-Tan, founder and CEO of Beautederm last Saturday.





Comments