Lola ni Janine, kung bata-bata lang daw… PILITA, KAY GERALD GUSTONG MAGPABUNTIS
- BULGAR

- Feb 14, 2021
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 14, 2021

Hindi nakaligtas ang veteran singer na si Asia’s Queen of Songs Ms. Pilita Corrales sa Jojowain o Totropahin Challenge at nakakatuwa dahil game niyang sinagot lahat ang mga pangalan ng aktor na binanggit nina Vina Morales at Kitkat Favia. Magkakasama ang tatlo sa Kesayasaya sitcom ng NET 25 na napapanood tuwing Linggo, 6:30 PM.
Habang naka-break ang tatlo at para hindi mainip ay nagpa-Jojowain o Totropahin Challenge si Vina sa kapwa niya Visayan singer. Si Ms. Pilita ay sa Lahug, Cebu nanirahan noong bata pa, samantalang sa Bogo, Cebu naman si Sharon Magdayao a.k.a. Vina.
Bago sinimulan ay ipinaliwanag nina Kitkat at Vina kay Ms. Pilita kung ano ang ibig sabihin ng Jojowain o Totropahin Challenge dahil hindi siya pamilyar sa larong ito.
At dahil may-edad na kaya ang naisip ni Vina ay ang pangalang Eddie Gutierrez na naging karelasyon noong 1970’s ni Ms. Pilita at nabiyayaan sila ng anak, si Ramon Christopher.
“Ay, jojowain!” sabi kaagad ng mama ni Monching.
“Pa rin?” tumawang tanong ni Kitkat. At si Vina naman ay kinikilig sa sagot ng beteranang mang-aawit at aktres.
Si Eddie Garcia, “I knew him but not very well, totropahin,” kaswal na sagot ni Tita Pilita.
“Ronaldo Valdez?” banggit ni Kitkat.
Parang nag-isip si Ms. Pilita, “Ronaldo Valdez? Hindi siya lumigaw sa akin, jojowain,” saka tumawa nang tumawa.
Tawa naman nang tawa at may palakpak pa sina Kitkat at Vina.
Si Eddie Rodriguez ang sunod na binanggit ni Vina na dead na rin, kaya sabi ni Kitkat, "Ate Vina, lahat ng sinabi mo, tegi na, paano niya jojowain?"
“Hindi, gusto ko kasing malaman nu’ng time nila, kabataan nila, kung jojowain at totropahin ni Tita Pilita,” paliwanag ni Vina.
“Magagalit si Carmen Soriano,” sabi ni Tita Pilita.
Nagkaroon ng relasyon sina Eddie at Carmen noong dekada '70.
Dagdag nito, “Jojowain ‘yun, hahaha!”
Ang mga batang aktor naman ngayon ang binanggit ni Vina tulad ni Daniel Padilla.
Inalala ni Ms. Pilita ang hitsura ni DJ, “Jojowain ‘yun!”
Tanong din ni Kitkat, “Albert Martinez?”
“Albert? Puwede na rin, jojowain,” medyo seryosong sabi ng mang-aawit.
"Eh, si Ormoc City Mayor Richard Gomez?” sambit ni Vina.
“Aba, dalawang beses na jojowain,” tumawang sabi ni Ms. Pilita.
Humagalpak naman na may kasamang palakpak ang reaksiyon nina Vina at Kitkat.
"Eh, si Derek Ramsay?" say ni Kitkat.
“Ay, puwede rin ‘yun, jojowain,” sagot ni Ms. Pilita.
Aga Muhlach, “Jojowain din,” saad pa niya.
Piolo Pascual, “Jojowain na lang,” sambit ni Ms. Pilita.
Hirit ni Kitkat, "John Lloyd Cruz?"
“Ay, puwede ‘yung jojowain,” magandang ngiting sabi ni Tita Pilita.
Sabi ni Vina, "Si Gerald Anderson?"
“Jojowain (guwapo, sabi ni Vina), yes, jojowain.”
Si Papa Chen a.k.a. Richard Yap?
“Richard Yap? Jojowain ko,” tumawang sabi ni Ms. Pilita dahil kababayan din niya sa Cebu, “Such a nice person kaya jojowain.”
Sabi naman ni Kitkat kay Tita Pilita, “Kunwari, ilagay n’yo ang sarili ninyo sa edad nila, sino (jojowain)?" sabay hirit ni Vina ng, "Na puwede kang magpabuntis? Hahahaha!"
“Ang dami kong gusto, si Gerald Anderson,” walang kagatul-gatol na sagot ni Ms. Pilita.
Pumalakpak to the max sina Kitkat at Vina.
Sabi ulit ni Tita Pilita, “Robin Padilla.”
“Ah, tita, akin po ‘yun, ay, kay Mariel (Rodriguez) po ‘yun,” tawang-tawang sabi ni Vina.
Nag-hi naman si Tita Pilita kay Mariel.
Enrique Gil, “Jojowain ko,” gandang ngiting sabi ni Ms. Pilita.
Tinanong ni Kitkat si Vina tungkol kay Enrique, “Jojowain, hahaha!”
At si Luis Manzano?
“Luis Manzano? Ah, si Lucky, totropahin ko,” sabi ng lola ni Janine Gutierrez.
Tropa rin ang sagot ni Vina dahil matagal na raw silang magkaibigan, “Friends kami, kaibigan ko talaga ‘yan.”
“And he’s such a nice person, 'di ba?” sabi pa ni Ms. Pilita.
Napagod na yata sina Vina at Kitkat sa katatawa dahil tinapos na ng una ang challenge nila.
Abut-abot naman ang pasalamat ni Vina kina Kitkat at Ms. Pilita dahil game na game sila sa Jojowain o Totropahin Challenge na magaganit niya sa kanyang YouTube channel.





Comments