top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lodi si Wonderwoman… MARIAN, TARGET MAKITA SI GAL GADOT SA MISS U

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2021
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 04, 2021





Ipina-presscon ng management niyang Triple A at ng GMA Network kahapon si Marian Rivera bago siya lumipad papuntang Eliat, Israel kung saan gaganapin ang 2021 Miss Universe.


Gaya ng alam na natin, isa si Marian sa anim na hurado sa gaganaping beauty pageant na mapapanood sa Israel sa December 12, airing dito sa 'Pinas sa Dec. 13.


Sa interview kay Marian, nabanggit na sa Dec. 6 ang lipad niya pa-Israel at mula sa araw ng pagdating niya roon at pag-alis, marami silang activities. Part din si Marian ng selection committee.


Sa tanong kung ano ang naramdaman niya at ni Dingdong Dantes nang malamang isa siya sa napiling maging hurado, “Ako? Totoo ba ‘yan? At the same time, kinilig ako. Mixed emotions ako dahil malaking karangalan ito sa akin, minsan lang mangyari, paano mo hindi tatanggapin?


Nakakataba ng puso. Si Dingdong agad ang tinawagan ko at sobra siyang supportive. Sabi niya, 'Wow, nakaka-proud. You have to go there,'" kuwento ni Marian.


Ang goal ni Marian sa Israel ay magawa nang maayos ang trabaho niya bilang judge, to meet all the candidates at makita si Gal Gadot.


“Sana, ma-meet ko siya. Sana, mabigyan ako ng chance. Ang parang malabong mapuntahan ko ay ang place ng birth ni Jesus dahil sa restrictions sa Israel,” banggit ni Marian.


Sa tanong naman kung ano ang hahanapin niya sa winner, aniya, “Nandoon ako to app

reciate their beauty at katapangan na maibalik nila ang humanity. Sa preparations naman, gaya ng itatanong ko sa pageant night, sa eroplano na ako mag-iisip ng itatanong."


Ang make-up artist at hairstylist niya ang kasama ni Marian na lilipad pa-Israel at ilang taga-, Triple A. Siyam na maleta ang dadalhin ni Marian sa dami ng gowns, damit, cocktails at iba pa niyang gagamitin sa buong pageant week.


Ano ang hiningi niyang kondisyon sa paglipad?


“Siyempre, naisip ko minsan lang dumating ang magandang chance na ito na mapili kang isa sa judge, bakit hindi ko tatanggapin? Of course, mahirap iwan ang mga anak, pero alam ko,


balang-araw, maiintindihan nila ang kahalagahan ng sakripisyong ito. ‘Wag kayong mag-alala, may maiiwan at mag-aalaga sa mga anak ko. Hindi sila pababayaan,” sagot ni Marian.


Si Director Mike Tuviera ang nagkuwento kung paano nakuhang judge si Marian ng Miss Universe. Unang tinawagan si Jenny Ferre ng Eat… Bulaga! at si Direk Mike na.


Nang makumpirma si Marian, may vetting pa na nangyari at sure si Marian na isa sa mga rason sa pagkapili sa kanya ang Smile Train na isa sa mga advocacies niya.


Natutuwa si Marian na masaya ang majority sa mga Pilipino sa pagkakapili sa kanya bilang hurado.


“Salamat sa suporta n'yo at paulit-ulit kong sasabihin na minsan lang dumating ang oportunidad na ito at anniversary pa ng Miss Universe at nakasama ako. Isang karangalan sa akin na tanggapin ito,” pagtatapos ni Marian.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page