Lodi nila, ginagaya raw… FANS NI HEART, TODO-BANTAY SA MGA POSTS NI PIA
ni Nitz Miralles @Bida | March 16, 2024

Tapos na ang Paris Fashion Week, pero hindi pa tapos ang bardagulan ng mga fans nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.
Pati post ng dalawa na walang kinalaman sa dinaluhang Milan at Paris Fashion Week, ikinokonek nila kina Pia at Heart.
Nag-post si Heart na nagpa-piano at sume-segue sa unboxing. May nag-comment na baka mag-post naman si Pia na nag-piano lessons o nagpe-play ng ibang musical instrument.
Kaya lang, parang hindi pa masagot ng mga fans ni Pia ang mga parinig ng fans ni Heart, dahil busy sila sa pagbabantay sa mga ganap ng beauty queen. Mula Paris, lumipad ito pa-Dubai to be with her husband for a few days. After makipagkita kay Jeremy Jauncey, sa Seoul, South Korea naman pumunta si Pia para dumalo sa Bulgari event.
Until now, hindi pa matatapos ang bangayan ng mga fans ng dalawa hangga’t may event silang dadaluhan.
Si Pia nga, lilipad pa-Singapore sa March 23 at kapag nag-post ito ng mga photos, may magre-react na fans ni Heart. Grabe naman!





Comments