top of page
Search
  • BULGAR

LIZA, SINAYANG ANG CAREER SA 'PINAS PARA SA HOLLYWOOD DREAM

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 21, 2023


Halos tatlong taon nang naghihintay ang marami sa Hollywood dream ni Liza ‘Hope’ Soberano.


‘Yun ang kanyang ultimate goal, kaya bumitaw siya sa pagma-manage ng dati niyang manager na si Ogie Diaz.


Gusto niyang subukan ang kanyang kapalaran sa Amerika at ginawa niya ang lahat upang matupad ang kanyang Hollywood dream.


Pero ang latest na balita ay isang Korean series ang kanyang lalabasan. Bago ito, naging visible muna si Liza sa ilang events na dinadaluhan ng malalaking Korean celebrities, hoping na may makikilala siya na tutulong sa kanyang career sa Hollywood.


Well, hindi madali ang maka-penetrate sa Hollywood. Hindi lang naman ganda at talento ang puhunan upang mapansin at mabigyan ng break sa mga international movies.


Kailangan din na may right connection at tamang tao na hahawak sa iyong career.


Marami ang nanghihinayang kay Liza o Hope. Sana, kung hindi siya umalis ng ‘Pinas at ipinagpatuloy na lang ang pag-aartista rito, posibleng lumaki pa nang husto ang kanyang pangalan at kumikita pa ng milyones sa mga endorsements.


Talagang marami siyang oportunidad na sinayang para sa kanyang Hollywood dream.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page