Liza out, Andrea in… ENRIQUE, AMINADONG SANAY NANG PAIBA-IBA ANG BABAE
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 24, 2026

Photo: IG @asecretinprague
Masayang-masaya si Enrique Gil sa kanyang pagbabalik sa romantic-comedy series na dati na niyang kinasanayan. Siya ang bida ng A Secret in Prague (ASIP) ng TV5 along with Andrea Brillantes na first time niyang makakatrabaho.
“Masaya po kasi it’s, you know, dito ‘ko in a way nasanay. So, to be back doing it and so with the new cast, of course, with a new partner,” sey ni Quen nang makapanayam namin sa back-to-back media launch ng ASIP at My Bespren Emman (MBE) na ginanap last Wednesday.
Isa pang ikinatuwa ng aktor ay kasama niya pa rin ang mga production staff na dati niyang mga katrabaho.
“‘Yung production team po na kinuha namin, ‘yung ating mga crew, mga direktor, ‘yung mga AD (assistant director), ‘yung pagdating sa camera, naka-work na po namin from the previous network. I grew up na kasama sila, so parang isang malaking reunion din po para sa akin ‘yun,” ani Quen.
“Gusto ko, pagbalik ko, parang good memories lang, happy ‘yung set, happy vibes. ‘Yun talaga ang No. 1 na non-negotiable ko. Talagang I made sure na I felt comfortable lang, parang pamilya,” dagdag ng aktor.
Sa nasabing serye ay iba na ngang aktres ang ka-tandem niya kaya natanong namin ang aktor kung ano ang pakiramdam na may bago na ulit siyang ka-love team matapos si Liza Soberano.
“It feels good, it feels okay and alright. Actually, before the love team, sanay na po ako na lagi akong ipine-pair sa lahat usually. So, sanay na rin po akong iba-iba.
“Pero medyo matagal lang kasi, matagal bumalik ulit sa ganito, so parang nag-full circle ‘yung buhay ko, parang back to how it was before.
“So, it’s very refreshing po,” saad ni Quen.
Natutuwa rin ang aktor na supportive ang fans niya sa love team nila ni Andrea at happy din daw ang mga ito sa kanyang pagbabalik.
Gaganap si Enrique sa A Secret in Prague bilang Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Ginastusan ang serye dahil nagtungo pa sila sa Prague para mag-shoot ng 10 days.
Ang A Secret in Prague ay co-produced ng Slingshot Studios (kung saan partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at sa ilalim ng direksiyon nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria. Mapapanood na ito simula sa April 27, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM.
NAGBABALIK ang kinagigiliwang game show ng ABS-CBN na Kapamilya Deal or No Deal (KDOND) sa ika-anim nitong season kasama ang Pambansang Host na si Luis Manzano simula ngayong Sabado (Abril 25) at Linggo (Abril 26) sa ABS-CBN, ALLTV, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment, tampok ang brand-new episodes at bagong set ng Lucky Stars.
Bubuksan ang bagong season sa isang espesyal na two-part birthday celebration ni Luis tampok ang kanyang asawang si Jessy Mendiola at ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa darating na Sabado, habang susubukan naman ni Jodi Sta. Maria ang kanyang suwerte na mapili ang tamang briefcase sa episode sa Linggo.
Sa susunod na episodes, makikilala rin ng viewers ang official first batch ng Lucky Stars na makakasama ni Luis na sina AC Bonifacio, The Aguinaldos, Arizona Brandy, Asia Yoona, Aubrey Miles, Christine Samson, Cris Villanueva, Diego Gutierrez, Eric Fructoso, Inah Evans, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, Jopay Paguia, Kolette Madelo, Long Mejia, Negi, Rave Victoria, Red Ollero, at Ynez Veneracion.
Mas magiging exciting ang bawat episode dahil pipiliin ang celebrity player mula sa 20 Lucky Stars sa pamamagitan ng roleta. Kapag napili, kailangang magdesisyon ang celebrity player kung pananatilihin niya ang kanyang briefcase o ipagpapalit ito sa isa sa natitirang 19, habang hinaharap ang ultimate question na: ‘Deal or No Deal?’
Kasabay ng pagbabalik ng game show ay ang pagbabalik din ng original banker na muling susubok sa Lucky Stars sa pamamagitan ng kanyang nakakaakit na mga offers.




Comments