top of page
Search
  • BULGAR

LISA NG BLACKPINK, BIDA SA HBO SERIES NA THE WHITE LOTUS

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 14, 2024




Puno ng suporta at pagmamahal ang natatanggap ng Blackpink member na si Lisa sa kanyang bagong tinatahak na career dahil sa post ng HBO, sinabi nila na kasama si Lisa sa hit HBO series na “The White Lotus.”


Ayon sa Facebook post ng HBO Asia, “The trip of a lifetime awaits. Lalisa Manobal, Scott Glenn, and Julian Kostov will join the cast for Season 3 of #TheWhiteLotus.”


Tulad ng lahat ng casting para sa ikatlong season, ang kanyang papel ay inilihim.


Nakatakdang simulan ng “The White Lotus” ang produksiyon sa loob at paligid ng Koh Samui, Phuket, at Bangkok, Thailand ngayong February. Ang mga eksaktong detalye ng plot ay inilihim bukod sa katotohanang susundan nito ang isang bagong grupo ng mga bisita sa isang White Lotus resort property.


The character of Manobal sa "The White Lotus" ay para markahan ang kanyang debut sa pag-arte. Siya na ngayon ang pangalawang miyembro ng Blackpink na lumabas sa isang serye ng HBO.


Mas nakilala naman ang South Korean singer na si Lisa sa kanyang "Lalisa" noong 2021, at first female artist na nakabenta ng 736,999 na kopya ng album sa unang linggo sa South Korea.


Parehong ang kanyang mga single mula sa album na “Lalisa” at “Money” ang pumasok sa Top 10 Billboard Global 200, ang huli ay naging longest-charting na kanta ng isang babaeng K-pop soloist sa U.S. Billboard Hot 100 at U.K. Singles Chart.


Kamakailan lang ay nagtatag si Lisa ng kanyang sariling kumpanya na pinangalanang Lloud Co. Sa kabila ng lahat, ang mga fans and supporters ng Blackpink ay patuloy pa rin silang sinusuportahan sa kani-kanilang sariling career na pinili matapos maging hiatus ang girl group.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page