top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg

Lino pasok sa PCO, may pasabog kaya vs. Alan? Abangan

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 13, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


VP SARA AT SEN. BONG GO NAIS NG MAJORITY PINOYS NA MAGING NEXT PRESIDENT AT VICE PRESIDENT SA 2028 ELECTION — Sa latest survey ng Pulse Asia ay parehong nag-top na naman sina Vice President Sara Duterte sa pagka-presidente at Sen. Bong Go sa pagka-bise presidente sa 2028 election.


Pagpapakita 'yan na ang gusto ng majority Pinoys na maging presidente at bise presidente after ng halalan sa May 2028, ay parehong taga-Davao City, period!


XXX


PAGTALAGA NI PBBM KAY LINO CAYETANO SA PCO MAY KAPALIT KAYANG MGA 'PASABOG' LABAN KAY SEN. ALAN CAYETANO — Itinalaga ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos jr., (PBBM) si former Taguig City Mayor Lino Cayetano bilang bagong kalihim ng Presidential Communication Office (PCO).


Naku! Dapat kabahan si Sen. Alan Cayetano sa pagtalaga ni PBBM sa kapatid niyang si Lino sa PCO kasi baka sa mga susunod na araw ay may mga "pasabog" nang gagawin ito (Lino) laban sa kanyang kapatid na senador, abangan!


XXX


SEN. ALAN AT SEN. PING HINDI NA MAGKAKASUNDO KASI NAGBANGAYAN NA NAMAN — Nagbangayan na naman sina Sen. Alan Cayetano at Sen. Ping Lacson.

Ayon kasi kay Sen. Alan ay tinatakot daw ni Sen. Ping ang mga kontraktor sa Taguig City para sabihing may mga anomalya sa flood control sa lungsod, at ang resbak naman ni Sen. Ping ay nasa "panic mode" na raw si Sen. Alan kaya gumagawa ng mga hindi makatotohanang kuwento.


Ang patuloy na bangayan nina Sen. Alan at Sen. Ping ay nagpapakita na hindi na magkakasundo ang dalawang senador na ito, period!


XXX


P1.9B UNLIQUIDATED FINANCIAL ASSISTANCE NG PSC SA NSA DAPAT IMBESTIGAHAN NG OMBUDSMAN — Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na may P1.9 billion unliquidated financial assistance ang Philippine Sports Commission (PSC) sa National Sports Association (NSA) noong year 2025.

Aba'y dapat irekomenda na agad iyan ng COA sa Ombudsman na maimbestigahan 'yan kasi baka ang P1.9B na iyan ay nasa bulsa na ng mga tiwali sa PSC, boom!





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page