top of page
Anjo sa Pinoy Pawnstar.jpg

Nagipit, sa halagang P160K… PAINTING NA REGALO NI JOEY, IBINENTA NI ANJO KAY BOSS TOYO

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 13, 2026



Anjo Yllana sa Pinoy Pawnstar ni Boss Toyo - YT

Photo: Anjo Yllana sa Pinoy Pawnstar ni Boss Toyo - YT



Naungkat ang pagbebenta ni Anjo Yllana kay Boss Toyo ng painting na regalo sa kanya ni Joey de Leon matapos magpasalamat si Michael V. sa dalawang obra na natanggap niya mula sa Eat… Bulaga! (EB!) host sa birthday nito nitong Sabado. 


Sey ni Michael V., hinding-hindi niya ibebenta ang mga regalo sa kanya ni Joey, kabaligtaran ng ginawa ni Anjo. Ang nasabing painting ay ibinenta  noong 2023 sa halagang P160,000.


Matagal na nawalan ng project si Anjo, kaya medyo nagipit siya sa pera. Kaya siguro ay napilitan siyang ibenta ang painting na regalo sa kanya ni Joey.


Tiyak na maraming magkakainteres na bilhin ang painting kay Boss Toyo. Pero, sabi nga ng Pinoy Pawnstar, ilalagay niya sa kanyang museum ang mga memorabilia na nabibili niya sa mga celebrities.


Well, masaya kaya si Joey nang malaman niyang ibinenta ni Anjo kay Boss Toyo ang painting na regalo niya?





MARAMING fans and supporters ni Sarah Geronimo ang naghihintay sa magiging update sa status ngayon ng Popstar Royalty. 


Maraming espekulasyon ang naglabasan at kumalat na rin sa social media ang mga photos ni Sarah na nakasuot ng preggy outfit.


Ganunpaman, mismong sina Sarah at Matteo Guidicelli ay walang pormal na pahayag. Maging ang Viva Entertainment big boss na si Vic del Rosario, na nagma-manage sa career ng singer ay ayaw magsalita tungkol sa preggy issue.


Isa lang ang sinabi ni Boss Vic, wala munang project na gagawin si Sarah. Sa 2027 na umano babalik sa trabaho ang Popstar Royalty. Gusto nila ng privacy sa kanilang personal na buhay.


Aabangan na lang ng mga fans ang susunod na kaganapan sa buhay ni Sarah. Ang importante ay masaya siya sa piling ni Matteo at napatawad na ni Mommy Divine.





NAGING emosyonal ang comedian-TV host na si Joey de Leon nang ipagdiwang ang kanyang 80th birthday sa Eat Bulaga! (EB!) noong Sabado, October 10. 


Maraming celebrities ang nagpahatid ng pagbati. Naroon si Sen. Tito Sotto at hindi rin nakalimot bumati ang Megastar Sharon Cuneta pati na rin sina Mel Tiangco at Michael V..


Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Michael V. kay Joey ang dalawang paintings na iniregalo sa kanya nito. Espesyal daw at kakaiba, kaya iingatan niya at hindi ibebenta.


Samantala, hindi rin nakalimot si Toni Gonzaga at dumating sa studio ng EB! para batiin si Joey, na malaki ang naituro sa kanya noong bagong pasok pa lang siya sa programa.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page