Linggu-linggong dinadalhan ng pagkain… PAMILYA NI DEREK, BUSOG LAGI KAY ANDREA
- BULGAR

- Nov 5, 2020
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 5, 2020

Isa ang Kapuso actress na si Andrea Torres sa mga celebrities na nagsimula ng kanilang food business sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Inilunsad ni Andrea ang Family Favorites na nag-o-offer ng iba’t ibang Pinoy dishes (but with a twist).
Ikinuwento ni Andrea sa Kapuso Brigade Zoomustahan na tinutulungan siya ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay sa pagma-manage ng kanyang business.
“Natikman niya lahat 'yun bago ko talaga inilalabas. Kahit itong mga bagong inilabas ko, ipinapatikim ko muna sa kanya saka sa family niya. Kasi every Sunday, may gathering kami. So, dinadala ko ru'n, tapos hinihingi ko nga 'yung mga reaksiyon nila,” aniya.
Dagdag pa ng Kapuso star, si Derek din daw ang nakakatulong sa kanyang kumalma tuwing siya ay nai-stress.
“Ako kasi, mahilig akong mag-plan ng mga bagay-bagay. Siya 'yung nagpapaalala sa akin na relax ka lang, okay lang 'yan. Kasi ako, kapag medyo may hindi lang nasunod sa plano, minsan, nagpa-panic na 'ko. Siya 'yung bumabalanse sa akin.”





Comments