Limited edition lang… WILLIE, NIREGALUHAN NG P10 MILYONG RELO
- BULGAR

- Dec 4, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 4, 2020

Bonggang-bongga ang natanggap na early Christmas gift ni Willie Revillame mula kina RS Francisco at Sam Verzosa ng Frontrow na major sponsor ng Wowowin.
Isa itong limited edition ng luxury wristwatch na Titanium na nagkakahalaga ng P10 million! Ito ang wristwatch na RMO11 Felipe Masse, isang Swiss made na gawa ni Richard Mille.
Isa itong collector's item dahil dalawang modelo lang ang ginawa at idinisenyo ito para sa F1 car racer.
Sobrang thankful si Willie Revillame sa regalong natanggap mula sa Frontrow na katuwang din niya na namimigay ng ayuda kapag may mga kalamidad sa bansa.
Bagay na bagay kay Revillame ang kulay orange na strap ng kanyang luxury wristwatch!





Comments