top of page

Lilipat na raw… JENNYLYN, OUT SA STATION ID NG GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 30, 2024
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida  | June 30, 2024


Showbiz News
Photo: Jennylyn Mercado / IG

Ayaw tanggapin ng mga fans ang paliwanag ni Jan Enriquez ng Aguila Entertainment, ang management ni Jennylyn Mercado, na kaya wala siya sa Station ID (SID) ng GMA Network ay dahil hindi tumugma sa schedule ni Jen ang SID shoot.


Wala naman daw teleserye sa GMA-7 si Jennylyn, pero nagre-recording siya ng album yata sa Star Records. Saka, may mga inaasikasong mga anak.


May nag-akalang sign na ito na lilipat si Jennylyn sa ABS-CBN na actually, matagal nang pinag-uusapan online. Pinakalma na ni Jan ang mga fans, pero ayaw pa ring papigil sa pag-iisip na lilipat siya sa ABS-CBN.


Sabi ni Jan, “Kalma lang bessies. We have Jennylyn’s best interest in mind and we have big plans for her. Unfortunately, we can’t disclose every step we make but we hope to make some announcement soon.”


Wala rin sa SID si Carla Abellana, pero nag-renew na siya ng kontrata sa GMA Network. Baka may regional promo siya ng Widows’ War kaya hindi nakarating sa shoot.



Para tumigil na ang away ng mga fans…

JAK, MANONOOD NG MOVIE NINA BARBIE AT DAVID


Showbiz News
Photo: Jak Roberto & Barbie Forteza / IG

Hindi lang ang South Korean actor na si Ji Soo ang papasok sa Black Rider (BR) dahil papasok din si Jak Roberto. Ipinalabas na ang teaser ng mga eksena nina Ji So at Jak na kung saan, ang huli ang gaganap sa karakter ng nawawalang anak ni Raymond Bagatsing at kapatid ni Ruru Madrid.


Maangas agad ang unang eksena ni Jak at alam mong marami siyang action scenes. Nakipagbugbugan agad ito sa bad guy at inilabas ang pagiging anak ni Edgardo Magallanes (Raymond). May eksenang nag-ala-Jackie Chan pa si Jak.


Well, for sure ay proud ang girlfriend niyang si Barbie dahil inunahan nito ang announcement ng GMA sa pagpasok ni Jak sa BR. Nag-comment si Barbie sa Instagram (IG) page ng GMA Public Affairs na may teaser kay Jak. Kaya, kahit abs lang ang ipinakita, sapat na ang post ni Barbie ng emoji na nakataas ang mga kamay para mahulaan na si Jak ang nasa teaser.


Supportive girlfriend daw si Barbie kay Jak and in fairness, supportive boyfriend din si Jak sa girlfriend. Gusto nga nitong panoorin ang movie nina Barbie at David Licauco na That Kind of Love at tinanong na si Barbie kung kailan sila manonood.


Ang saya siguro kung kasabay manood nina Barbie at Jak sina David at ang nobya nito. Kahit magkasama lang silang apat sa block screening, magandang gesture at para matigil na rin ang bangayan ng mga fans nina Barbie at David.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page