Licensure examination para sa mga nagnanais na maging food technologist
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 07, 2021
Dear Chief Acosta,
Gusto kong maging food technologist. Kaya naman, nais kong malaman kung bukod sa pagtatapos ng kurso ng food technology, mayroon din bang board exam para rito? – Cyrone
Dear Cyrone,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 13 ng Republic Act (R.A.) No. 11052 o mas kilala sa tawag na “Philippine Food Technology Act” kung saan nakasaad na:
“Section 13. Licensure Examination Requirement. - Except as otherwise specifically allowed under this Act, applicants for registration for the practice of food technology shall be required to pass a licensure examination as provided for in this Act in such places and dates as the PRC may designate in the Resolution thereof on the Master Schedules for all licensure examination in accordance with Section 7(d) of the Republic Act No. 8981, “PRC Modernization Act of 2000”, as amended” (Binigyang-diin)
Samakatwid, bukod sa pagtatapos ng kurso ng Food Technology, malinaw sa batas na mayroon ding licensure examination para sa mga taong nagnanais maging food technologist. Ibig sabihin, bago kayo maging ganap na food technologist, dapat munang matapos ang nasabing kurso at maipasa ang nasabing lisensiya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments