Search
  • BULGAR

Licensure examination para maging radiologic technologist

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 16, 2020



Dear Chief Acosta,


Nagbabalak akong kumuha ng licensure examination para maging radiologic technologist. Ano ba ang nararapat na makuhang grado upang makapasa nito nang hindi na kumukuha ng re-examination at kailan ilalabas ang resulta nito? – Damian


Dear Damian,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 22 ng Republic Act (R.A.) No. 7431, o mas kilala bilang Radiologic Technology Act of 1992, kung saan nakasaad ang sumusunod:


“Sec. 22. Report of Ratings. — The Board shall, within one hundred twenty
(120) days after the date of completion of the examination, report the rating
obtained by each candidate to the Commission which shall submit such report to the President of the Philippines for approval. In order to pass the examination, a candidate must obtain a weighted average of at least 75% with no rating below 60% in any subject. xxx.

Malinaw na isinasaad ng Section 22 ng R.A. No. 7431 na upang makapasa sa unang pagsusulit para sa radiologic technologist licensure examination, nararapat makakuha ang examinee ng weighted average na hindi bababa sa 75% at walang rating na bababa sa 60% sa alinmang paksa. Ang resulta ng nasabing pagsusulit at nararapat na ilabas sa panahon na hindi hihigit sa 120 araw mula sa katapusan ng nasabing licensure examination.


Bilang karagdagang impormasyon sa naturang probisyon, ang mga salitang “Board” at “Commission” na binabanggit doon ay tumutukoy sa Board of Radiologic Technology, at Professional Regulation Commission.


Sa inyong sitwasyon, upang makapasa kayo at hindi na kailangan pang kumuha ng re-examination sa inyong balak na kuning radiologic technology licensure examination, nararapat kayong makakuha ng weighted average na hindi bababa sa 75% at walang rating na bababa sa 60% sa alinmang paksa sa nasabing pagsusulit. Ang resulta nito ay nararapat na ilabas sa panahon na hindi hihigit sa ika-120 araw mula sa pagkatapos ng nasabing licensure examination.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga salaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.