top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Libreng kolehiyo, pinalalakas sa bagong panukalang batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 14
  • 2 min read

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | May 14, 2026



Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian


Aprubado na sa huli at ikatlong pagbasa ang isang panukalang batas na magpapatatag sa libreng kolehiyo. Sa ilalim ng panukalang batas na ito, matitiyak natin na ang tulong pinansyal para sa edukasyon ay mapupunta sa mga mag-aaral na higit na nangangailangan. Palalawakin din natin sa ilalim ng panukalang batas na ito ang saklaw ng tulong pinansyal na ibinibigay natin sa ating mga benepisyaryo.


Layong amyendahan ng panukalang batas na ito (Senate Bill No. 1894) ang ating batas sa libreng kolehiyo: ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act No. 10931). Bilang isa sa mga may akda ng naturang panukalang batas at bilang isa sa mga may akda ng batas sa libreng kolehiyo, ikinagagalak natin ang pagpapalawak ng oportunidad para sa mga nangangailangang mga mag-aaral.


Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga high school graduates na bahagi ng mga sambahayan sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay agarang magiging kwalipikado na maging benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES). Ang TES ay tulong pinansyal na ipinapamahagi sa mga nangangailangang mag-aaral upang matustusan nila ang kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon kagaya ng mga aklat, pamasahe, renta, at iba pa.


Upang maging tuluyang maging benepisyaryo ng TES ang mga naturang high school graduates, kailangang matanggap muna sila sa isang kolehiyo o pamantasan na may accreditation mula sa Commission on Higher Education (CHED), o kaya naman sa isang Technical Vocational Institution na accredited ng Technical Education and Skills Development Authority. Kung meron pang matitirang pondo para sa TES, maaari pang magpamahagi ng grants sa mga aplikante batay sa kakayahang pinansyal ng kanilang mga pamilya.


Sang-ayon ang panukalang batas na ito sa mga ginawa nating hakbang sa pagbuo ng mga nakaraang national budget. Matatandaang natuklasan sa mga pag-aaral na noong 2022, dalawa lamang sa sampung benepisyaryo ng TES ang nagmula sa mga pamilyang pinakanangangailangan o pinakamahihirap. Ibig sabihin, hindi nakakarating ang tulong sa mga mag-aaral na lubos sanang nangangailangan nito.


Kaya naman isinulong natin ang isang special provision sa 2024 national budget upang matiyak na bibigyang prayoridad ang mga mag-aaral mula sa mga sambahayang bahagi ng programang Listahanan ng DSWD, o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), na isang information management system na tumutukoy kung sino at nasaan ang mga mahihirap sa buong bansa.

 

Kasunod ng pagkakaroon ng special provision na ito, mahigit 159,0000 na mga mag-aaral mula sa 4Ps ang naidagdag sa mga benepisyaryo ng TES para sa taong 2024.

Ngayong malapit nang maisabatas ang panukala nating mga rebisyon sa batas ng libreng kolehiyo, mas matitiyak natin na magpapatuloy sa kolehiyo ang mga mag-aaral sa ilalim ng 4Ps. Kung magpapatuloy ang kanilang edukasyon, mabibigyan natin sila ng pagkakataon at kakayahang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.


May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

2 Comments


Guest
Aug 06

I found this article different brewing methods has helped me achieve useful because it highlights practical repair solutions rather than temporary fixes.

Ordu havaş

Like

support
Jun 09

Parang i ready percentiles ng educational support 'to - sinusukat kung sino talaga ang pinakangangailangan, at habang nagkakape ako, iniisip ko, sana tuloy-tuloy na ang pag-improve ng targeting system para mas marami pang maabot.

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page