Libreng sakay sa LRT-2 sa Labor Day
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | April 28, 2026

Photo: LIght Rail Transit - LRT 2 / File
May libreng sakay ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa lahat ng manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day sa Biyernes, Mayo 1.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), maaaring makasakay nang libre mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
“Ang libreng sakay na ito ay munting pagkilala sa walang sawang pagsusumikap at sakripisiyo ng mga manggagawang Pilipino. Sa pamamagitan nito, hangad naming maipadama ang aming taos-pusong pasasalamat at mataas na pagpapahalaga sa kanilang dedikasyon,” ani LRTA Administrator Hernando Cabrera.




Comments