top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

Tulog sa 4th flr., bumulusok, nadaganan ng aircon, debris... Call center agent, na-trap sa sunog, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
20 minutes ago
1 min read

ni Mylene Alfonso @News | November 23, 2026



Call center agent na natutulog nasunog -- Manila City DRRM

Photo: Manila City DRRM



Nasawi ang isang call center agent matapos ma-trap sa nasusunog na gusali sa Anonas, Sta. Mesa, Maynila, nitong Sabado, Nobyembre 21.


Nasa ikaapat na palapag ang biktima nang bumigay ang bahagi ng gusali, dahilan upang bumagsak siya hanggang sa unang palapag, kung saan natabunan pa siya ng aircon at mga guho.


Ayon sa kapatid ng biktima, iniwan niya itong natutulog bago siya umalis.


Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinailangang butasin ng mga rescuer ang bahagi ng isang pader upang matunton ang kinaroroonan ng biktima.


Tinatayang 80 bahay ang natupok habang nasa 250 pamilya o mahigit 700 indibidwal ang naapektuhan ng sunog.


Sumiklab ang apoy alas-4:00 ng hapon at umabot sa ikatlong alarma bago tuluyang naapula alas-10:09 ng gabi.


Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page