6 na aso sa subdivision, dedo matapos lasunin

by BRT @News | November 23, 2026

Photo: Team Aspin of Iloilo - FB
Natagpuang patay ang anim na aso na nakahandusay at bumubula ang bibig sa gilid ng kalsada sa isang subdivision sa Santa Barbara, Iloilo, matapos umanong lasunin.
Ayon sa homeowners association, dati nang inirereklamo ang pagdumi ng mga asong gala sa paligid at ang panghahabol ng mga ito sa mga rider. Gayunman, mariin nilang tinututulan ang ginawang umano'y paglason sa mga hayop.
Kinondena rin ng ilang animal welfare group ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng umano'y paglason.





Comments