top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

LGUs, gabayan sa pagpapatupad ng Early Childhood Care and Development

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | September 17, 2026



Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian


Noong Agosto 5, matatandaang nilagdaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199).


Sa ilalim ng batas na ito, patatatagin at palalawakin natin ang saklaw ng mga programa at serbisyong may kinalaman sa early childhood care and development (ECCD) upang maging mas malakas ang pundasyon ng mga batang wala pang limang taong gulang.


Bagama’t napirmahan na ang IRR ng naturang batas, wala pang natatanggap na direksyon ang mga local government units (LGUs) kung paano ihahatid ang mga naturang programa at serbisyo.


Mahalaga ang paggabay sa mga LGU dahil sa ilalim ng batas, sila na ang may pangunahing tungkulin sa paghahatid ng mga programa at serbisyong may kinalaman sa ECCD.


Kaya naman, sa pagtalakay natin sa panukalang 2027 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga kalakip nitong ahensya, hinimok natin ang kagawaran na tiyakin ang pagkilos ng mga LGU para sa paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa ECCD.


Hinimok din natin ang DILG na maglabas ng isang memorandum circular upang bigyang-direksyon ang mga LGUs sa pagpapatupad ng batas para sa ECCD. Nakasaad sa batas, halimbawa, ang pagmamandato sa mga LGUs na magpatayo ng ECCD Office na sasailalim sa administrative supervision ng local chief executives.


Ang naturang tanggapang ito ang mangunguna sa pagpapatupad ng mga programa para sa ECCD, kabilang ang pangangasiwa sa mga child development teachers at child development workers.


Napapanahon din ang agarang pagkilos ng mga LGU lalo na’t layunin ng DILG na pataasin ang bilang ng mga batang nakikilahok sa ECCD.


Sa kasalukuyan, nasa 33% ng mga batang wala pang limang taong gulang ang naaabot ng mga programa at serbisyo para sa ECCD at para sa susunod na taon, target ng DILG na pataasin ito sa 40%.


Patuloy naman nating babantayan ang pagtalakay sa 2027 national budget upang tiyakin ang patuloy na suporta para sa mga programa at serbisyong may kinalaman sa ECCD.


May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page