Level-up ang pamasko… SEN. BONG, MAMIMIGAY NG MOBILE SARI-SARI STORE, IPHONE 15, P100 K CASH, ETC.
- BULGAR
- Dec 12, 2023
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 12, 2023

Taun-taon ay nagsasagawa ng live program si Senator Ramon Bong Revilla Jr. bilang pagdiriwang ng Kapaskuhan at pasasalamat upang makapiling nito ang kanyang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
At para sa taong ito, ang tema ay POGI NA PASKO CHRISTMAS GIVEAWAY 2023 na gaganapin sa Dec. 17, 2023 at mapapanood sa Facebook account ni Sen. Bong na facebook.com/bongrevillajrph.
Kung nu'ng mga nakaraang taon ay nagpamigay si Sen. Bong ng kotse, laptop, cellphone at cash, ang mga puwedeng mapanalunan ngayon ay dalawang mobile sari-sari store, apat na iPhone 15 Promax, tatlong iPhone 15, pangkabuhayan package, cash prizes na P100K, P50K, P25K, P10K, at may malaking-malaking sorpresa na ikatutuwa ng mga manonood.
Sa mga kalahaok na nag-fill-up sa GOOGLE FORM na ito:
https://forms.gle/j2XUb2Rk5XwzoUzcA, pinaaalalahanan na isang entry lang bawat kalahok ang mananalo dahil automatic na matatanggal ang may higit sa isang entry.
Kung sakaling dalawang beses mabunot ang entry ng isang kalahok, mas malaking premyo lamang ang mapapanalunan upang mas marami umano ang mabigyan ng pagkakataon.
Magkakaroon din ng 2023 AMAZING ANG PASKO DANCE CHALLENGE! Group Category: 1st Prize-P100,000, 2nd Prize-P50,000 at 3rd Prize-P30,000; Couples Category: 1st Prize-P30,000, 2nd Prize-P20,000 at 3rd Prize P10,000; Solo Category- 1st Prize -P20,000, 2nd Prize- P10,000 at 3rd Prize –P5,000.
Lahat ng kalahok sa dance contest ay nag-download ng Idol kita sa Pasko/Pogi na Pasko jingle na siyang gagamiting tugtugin sa lahat ng katergorya sa dance contest na ngayon pa lamang ay napakarami nang sumali na nag-post ng kani-kanilang videos sa wall kasama ang #AmazingangPasko, #BongRevilla at #PoginaPasko.
Hindi pa rin mawawala ang mga palarong Pachingko, Amazing Roleta, Poging Pasko Stockings, Trivia Games at marami pang iba na pangungunahan mismo ni Sen. Bong, Rep. Lani Mercado-Revilla, buong pamilya at ilang sorpresang celebrities na makikisaya sa buong programa.
“Masaya ang magiging takbo ng Pogi na Pasko Christmas giveaway dahil bukod sa napakaraming papremyo ay pinaghandaan namin ang mga pakulo na tiyak na magpapasaya sa marami nating kababayan,” pahayag ni Sen. Bong.








Comments