top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Letran, gold sa NCAA JRS. Chess; Spikers, kanselado ang laro sa PVL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2021
  • 2 min read

ni VA - @Sports | July 20, 2021



Nakopo ng season host Colegio de San Juan de Letran ang gold medal sa NCAA Season 96 juniors online chess tournament na nagtapos noong Sabado. Nagwagi si Christian Mark Daluz ng gold medal para sa Squires matapos niyang talunin si Leonel Escote ng Lyceum of the Philippines University sa finals. Nauna nang tinalo ni Daluz para makarating sa kampeonato si Brien Palasigue ng San Beda University na nagsulong sa kanya sa round of 16. Kasunod nito si Jasper Faeldonia ng Arellano University upang makatuntong ng quarterfinals bago pinadapa ang kakampi ni Escote na si Paul Matthew Llanillo sa semis para makaabot ng finals. Naiuwi ni Escote ang silver medal habang nakopo ni Melson John Gallo ng Jose Rizal University ang bronze medal makaraang mamayani sa battle for third nila ni Llanillo noong Biyernes. Samantala, inumpisahan na rin ang aksiyon sa seniors division kung saan nagtala ng unang tagumpay ang University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD).Pinataob ni Genesis Mateo Borromeo si Carl Anthony Canio ng San Beda University para maunang magmartsa tungo sa Round of 16. Kaparis sa juniors division, lahat ng mga laro sa seniors ay lalaruin din sa website na Lichess.org.


Samantala, nagdesisyon ang pamunuan ng Premier Volleyball League na i-hold na muna ang lahat ng mga laro ng koponan ng Perlas Spikers sa ginaganap na PVL Open Conference matapos na magpositibo ang isa sa mga miyembro ng team sa Covid-19.


Para maiwasan na makahawa at kumalat pa ang virus, ang indibidwal na nagpositibo ay inilagay na muna sa isolation facility habang naka quarantine naman lahat ng iba pang team members sa magkakahiwalay na kuwarto at muling papailalim sa RT-PCR testing sa ìkalimang araw matapos ang huli nilang testing.“Pending the results (of the tests), the scheduled games of Perlas have been postponed,” pahayag ni Ricky Palou,ang presidente ng organizer na Sports Vision Management Group, Inc.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page