top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lebron, may dalang malas, hindi muna paglalaruin ng Lakers

BULGAR
May 6, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | May 6, 2021




Dahil sa tila may dala umanong malas at may iniindang right ankle injury, hindi muna paglalaruin ng Los Angeles Lakers ng dalawang games si NBA star LeBron James. Napansin ng Lakers na malaki ang inihina nang laro ni LeBron dahil sa patuloy pa rin nitong iniinda ang injury na natamo nito noong Marso dahilan para hindi ito makalahok ng 20 games.


Ayon sa mga fan, mas mainam umanong hindi muna maglaro si LeBron para mabigyan ito ng pagkakataon na magpagaling sa injury bukod pa sa tila umano may dala itong malas sa Lakers na natalo ng dalawang sunod simula nang bumalik siya sa koponan, samantalang nagwagi ng hindi ito maglaro sa huling laban ng koponan kontra Denver Nuggets. Matatandaang dalawang sunod na natalo ang Lakers nang magbalik si LeBron sa koponan – LA Clippers at Portland Blazers - matapos ang mahigit isang buwang pagpapagaling sa injury. “Nawala na ang dating lakas ni LeBron, halatang kinakalabit na ito ni “father time” at maaaring ang tinamo nitong injury ang maging simula ng kanyang pagkalaos,” ayon sa mga kritiko. Pitong laro pa ang sasabakan ng Lakers bago makapasok sa Western Conference playoffs.


Samantala, anim na buwang mandatory medical suspensiyon ang ipinataw kay dating UFC middleweight world champion Chris Weidman matapos magtamo ng injury sa laban kontra kay Uriah Hall noong UFC 251 noong Abril. Matatandaang nabali ang kanang hita ng 36-anyos na si Weidman nang masapol ito ng tuhod ni Hall. Naging matagumpay naman ang ginawang operasyon upang ma-repair ang nabaling buto sa hita ni Weidman pero nilinaw ng UFC na kailangan nitong magpagaling ng anim na buwan. Tumanggap naman ng 60 days suspension si Jorge Masvidal matapos ang inabot na brutal na knockout sa kamay ni UFC middleweight champion Kamaru Usman.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page