top of page

Last minute, umatras sa show… SIGAW NG NETIZEN: SARAH, LAOS NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 7, 2026



WINNER - SIGAW NG NETIZEN SARAH, LAOS NA!-IG _justsarahgph

Photo: IG _justsarahgph



Inokray si Sarah Geronimo ng mga netizens sa  hindi niya pagtuloy sa isang malaking out-of-town event kahit na naglabas ng official statement ang kampo ng Popstar at ipinaliwanag kung bakit hindi siya nakadalo sa event.


Pinayuhan daw ng doktor si Sarah na mag-rest. Gets ng mga faney ang nangyari kay Popstar Royalty.


Mensahe ng mga fans niya…


“Sarah Geronimo’s health is more important. Maiintindihan ‘yan ng sandatahang Popsters. Mag-foodtrip kayo sa Pampanga, maraming masasarap r’yan!”

Pero binira naman si Sarah ng mga bashers.


“Ang dami n’yang arte, ‘di naman s’ya busy, walang show, walang movie, walang anak.”

“Laos naman na s’ya, go lang.”

“Grabe, paistariray si Sarah G. Hahaha!”


Habang naalarma naman ang mga faney ni Sarah. Mabilis na nag-isip ang mga fans ni Sarah na baka meron siyang sakit o maaaring buntis na ang misis ni Matteo Guidicelli. Kaya aligaga ang kanyang mga faney na malaman agad ang kalagayan niya.

Sey pa ng mga fans…


“Wala ba talagang update pa kay Sarah? (sad emoji) Sobrang worried me. Huhuhu! Hope she’s doing well. Miss na miss ko na s’ya (crying emoji). @JustSarahG please be well, mahal na mahal ka namin. We miss you so much (teary-eyed emoji).”


“Hi po, ate @JustSarahG, get well soon po, we miss you so much already and we're waiting for you po. You're always in my prayers po, I hope you get better soon po. I love you so much, so much, so much po (white heart emoji).”


Nanawagan din ang mga Popsters kay Matteo na magbigay ng update sa kondisyon ni Sarah.


Sabi ng isang fan, “Hi, @mateoguidicelli please, give us some update po kay Sarah kahit konti lang, kasi super -worried na po talaga kami kung kumusta na ba s’ya.”

Get well soon, Sarah G!





BEA AT VINCENT, IKINASAL NA RAW SA MANILA, ‘DI TOTOO



Pinabulaanan ng aming source ang kumalat na balitang ikinasal na si Bea Alonzo. Wala raw kasal na naganap sa pagitan ng aktres at sa kanyang fiancé na businessman na si Vincent Co. 


May tsika kasi na kumalat sa online na ikinasal na sina Bea at Vincent sa isang private ceremony. Sikreto rin daw ang venue kung saan sila ikinasal.


Hindi raw totoo na ikinasal na ang dalawa, mapa-civil or church wedding man. Pawang haka-haka at espekulasyon lang daw ang kumalat na ikinasal na ang dalawa.


Nauna rito, may kumalat din na petsa sa wedding ni Bea at Vincent sa Spain on May 16. Pero walang makapag-confirm sa tsikang ito.


Kung totoo iyan, ilang araw na lang ang hihintayin ng mga nakaabang sa kasal ni Bea. Tiyak na malaking news iyan on that day.


Anyway, hayaan muna natin si Bea Alonzo at Vincent Co na masunod ang gusto nila na maging very private ang kanilang wedding. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page