Lalong tumaas ang TF nang mag-solo… KATHRYN, P35 M PER ENDORSEMENT, P400 K PER TAPING DAY
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 26, 2024

Mas tumaas ang premium ni Kathryn Bernardo nang maghiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Hindi na siya nakadepende sa KathNiel love team at puwede nang mag-solo sa mga projects at endorsements.
Since nag-level-up ang kanyang status ngayon bilang isang seryosong aktres, maging sa talent fee ay nag-level-up daw ang presyo ni Kathryn.
Balitang P35M ang talent fee niya ngayon per endorsement at sa serye naman ay P400 thousand per taping day ang bayad sa kanya.
Kaya naman, hindi nakapagtataka kung patuloy ang pagtaas ng net worth ni Kathryn Bernardo. Sa ngayon, nakapagpundar na siya ng negosyo at properties sa tulong at gabay ng kanyang parents sa aspetong ito.





Comments