top of page

Lalaking 'di babaero ang wish para sa anak…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2021
  • 2 min read

MADIR KAY BEA: ALAGAAN MO ANG SARILI MO, HINAY-HINAY LANG, 'WAG TODO!

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 11, 2021




Aliw na aliw kaming panoorin ang Q & A + Jojowain o Totropahin with my Mom vlog ni Bea Alonzo na in-upload niya nitong Sabado nang gabi dahil maraming ibinuking tungkol sa aktres ang kanyang ina.


Si Mommy Mary Anne ang special guest ni Bea sa kanyang vlog at tinawag niya itong “The Queen of my Life.” Ikalawang guesting na ito ng ina, na ang una ay noong nagpunta sila sa Amanpulo, Palawan.


Habang nagtatanungan ang mag-ina ay nagpu-fruits mukbang sila. May malaking farm kasing nabili si Bea nu'ng taong 2011 pa at pinataniman ito ng kanyang mommy, na siyang nagma-manage sa farm, ng mga puno ng mangga at mahogany.


“450 (mango trees) if I’m not mistaken, mahogany, 5,000 trees,” sabi ni Mommy Mary Anne.


Sa medyo seryosong parte ng usapan, natanong ni Bea ang ina, “Ano pa'ng pangarap mo para sa akin?”


“Ang magkaasawa ka nang maayos na lalaki, ang magkapamilya ka soon, sana,” nakangiting sabi ni Mama Mary Anne.


“Pressure, okay,” sambit naman ng dalaga.


Ang pinakapaboritong leading man pala ni Mama Mary Anne para sa anak ay si John Lloyd Cruz. "Since bata ka pa, siya na, eh,” sabi nito.


Dugtong ni Bea, “Magaling na aktor.”


“Sino ang pinakaayaw mong ex ko,” tanong uli ni Bea sa ina.


“Oh, my God, tinatanong pa ba ‘yan? Dyusko, ayaw kong magsalita pero huwag ninyo nang itanong, alam n’yo na! Next question, please?” sabay kuha ng papel sa lalagyan.


Naging palaisipan tuloy sa amin kung sino kina Mico Palanca (SLN), Jake Cuenca, Gerald Anderson at Zanjoe Marudo na mga ex-boyfriends ni Bea ang ayaw na ayaw ng nanay niya.


Sa tanong kung ano ang pangarap sa buhay ng ina, “'Yung makita ko kayong dalawang magkapatid na maayos na, pamilyado na, lalo sa ‘yo (Bea),” sagot ni Mommy Mary Anne.


Ano ang proudest at disappointing moment ni Mama Mary Anne kay Bea?


“Since naging artista ka, siyempre, proud na proud ako kapag nakikita kita sa pelikula, TV. Parang ako ‘yung maganda. At ang pinaka-disappointing moment, 'pag pumapayag kang niloloko ka, 'pag nagpapaloko ka!” diretsong sabi ng nanay ng dalaga.


Ano'ng katangian naman ang hinahanap ng ina ni Bea para sa future husband niya?


“Maging mabait lang, maging totoo, huwag Babaero, please!” pagdidiin pa nito habang nakatingin sa camera.


Tawa lang naman nang tawa ang aktres.


Ano ang payo ng nanay ni Bea sa kanya pagdating sa love at sa life?


“Sa love, sana, matuto ka na at natuto ka na. Sa life, alagaan mo ang sarili mo, alagaan mo ang puso, anak! Hinay-hinay lang, ‘wag todo!” malamang pahayag ng ina ng aktres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page