top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kung si Inah, pinayagan kay Jake… JANICE, TUTOL NA MAKIPAG-LIVE-IN SI KAILA KAY DANIEL

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 16, 2026



TEKA NGA - JANICE, TUTOL NA MAKIPAG-LIVE-IN SI KAILA KAY DANIEL_IG _kailaestrada & FB Daniel Padilla Fan Page

Photo: IG _kailaestrada & FB Daniel Padilla Fan Page



Tanggap na ni Janice de Belen na isa-isa nang nagkakaroon ng sariling buhay ang kanyang mga anak na sina Inah, Moira at Kaila Estrada.


Una nang bumukod si Inah at nagli-live-in na sila ng BF niyang si Jake Vargas. Si Moira naman ay malapit na ring magpakasal, at si Kaila ay nagpaalam na gustong mamuhay nang solo.


Nasa tamang edad na rin si Kaila, kaya pumayag si Janice na bumukod na ito ng tirahan. Pero how true na hindi niya ito papayagan kung makikipag-live-in kay Daniel Padilla.

Basta pagdating sa career ay suportado niya ang anak.


Samantala, marami ang nagsasabing kailangan na ring humanap ni Janice ng someone na makakasama niya sa buhay. Pero at this point of her life, wala raw sa agenda ng aktres ang muling umibig.


Quota na raw siya sa kanyang love life at masaya na sa status niya ngayon bilang single. 

Marami naman siyang puwedeng pagkaabalahan. Hindi malungkot ang kanyang buhay dahil marami siyang kaibigan na makakasama niya sa pagliliwaliw.


Lagi naman siyang nakasubaybay sa buhay ng kanyang mga anak. Anytime ay handa siyang damayan ang mga ito.





‘Di nepo baby…

MERYLL, MAS GUSTONG MAG-SHOWBIZ KESA MAMAHALA SA MGA NEGOSYO NI WILLIE



EXCITED si Meryll Soriano sa kanyang pagbabalik sa GMA Network. Ngayon ay kasama ang aktres sa seryeng Delivery Boi na pinagbibidahan ni Will Ashley. 


Malaking challenge ito para kay Meryll dahil mapapasabak siya sa comedy.

Well, natutukan ng aktres ang career ng kanyang Tita Maricel Soriano, na magaling ang timing sa comedy kaya nagagawang natural ang pagpapatawa.


Sa kabila ng kanyang pagiging heredera sa yaman ng kanyang amang si Willie Revillame, hindi umasta at namuhay na nepo baby si Meryll. Simple lang siyang namuhay at hindi nagdi-display ng mga mamahaling gamit sa social media.


At hindi rin siya nakadepende sa kanyang Papa Willie. Bagkus, nagsikap at nagtatrabaho pa rin siya upang kumita ng sarili niyang pera.


Likas na nasa dugo ni Meryll ang showbiz, kaya excited siya kapag may mga proyektong dumarating. Mas masaya siya sa showbiz, kaya tinanggihan ang alok ng kanyang Papa Willie na mamahala sa mga negosyong ipinundar ng TV host.





Kaya mas sumikat bilang vlogger… 

ALEX, PINAYUHAN NI DIREK BOBOT NA ‘WAG GAYAHIN SI TONI



SI Direk Bobot Mortiz pala ang nagbigay ng screen name kay Alex Gonzaga.

Noong nag-audition si Alex sa programang Let’s Go!, Catherine Gonzaga ang ginamit niyang pangalan. Pero nang pumasa siya, ginawa ni Direk Bobot na ‘Alex’ ang kanyang pangalan dahil ito ang pangalan ng karakter na ginampanan niya sa programa.


Nag-click ang screen name at sumikat ang kapatid ni Toni Gonzaga.

Payo ni Direk Bobot kay Alex, huwag gayahin ang mga kilos at pananalita ng kanyang Ate Toni. Dapat ay maiba siya para hindi maikumpara. 


Well, halata namang ibang-iba siya. Mas sumikat nang husto si Alex nang mag-click ang kanyang mga contents bilang vlogger. Milyun-milyon ang kanyang naging subscribers at kumikita siya nang malaki. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page