top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

‘Di raw “walang kuwenta”... JOSHUA, TODO-GASTOS NG SARILING PERA PARA SA MGA KASAMBAHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 15, 2026



TALKIES - JOSHUA, TODO-GASTOS NG SARILING PERA PARA SA MGA KASAMBAHAY_IG _krisaquino

Photo: IG _krisaquino



Sabay-sabay na nagpahayag ng saloobin sa social media ang mga taong nakakakilala at nagmamahal kay Joshua Aquino, panganay na anak ng Queen of All Media na si Kris Aquino, matapos makatanggap ng hindi magandang komento mula sa mga hosts ng comedy podcast na Machong Chismisan.


Isa sa mga nagpahayag ng suporta kay Joshua ang host na si Darla Sauler, na kilala rin bilang head writer at resident sidekick ni Kris sa dating sikat na ABS-CBN morning talk show na Kris TV.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Darla ang pagmamahal at paghanga kay Joshua at ibinahagi kung paano niya nasaksihan ang pagiging maalalahanin at mapagmahal nito sa mga taong nakapaligid sa kanya.


Pahayag ni Darla, “I love you, Kuya Josh!

“You are one of the kindest, most thoughtful, and most generous people I know. Mula pagkabata, witness na ‘ko kung paano mo alagaan si Mama (Kris) at si Bimb sa paraang alam mo, at kung paano mo rin alalahanin ang lahat ng tao sa paligid mo.


“Kung alam lang ng lahat kung gaano mo laging iniisip ang kapakanan ng ibang tao, kung paano mo gustong masaya ang lahat, at kung gaano ka kasaya ‘pag may napapasaya ka.

“Sa lahat ng naging lakad natin, I honestly can’t remember a time na umuwi ka nang walang dalang pasalubong para sa ibang tao. The driver, the angels sa bahay, the nurse, the teachers, si Bimb, si Mama—lahat! 


“You always think of everyone. Du’n nga madalas napupunta ang allowance mo, eh! You would rather spend it making other people happy than spend it on yourself.

“And that, to me, says so much about the person you are.


“Kaya lahat ng tunay na nakakakilala sa ‘yo, bilib sa ‘yo at mahal na mahal ka. Because we see your heart. We see your kindness. And we know that you have so much love to give.

“I love you always, Kuya Joshy. Keep that beautiful heart of yours. The world needs more people like you.”


Samantala, nagpahayag din ng saloobin si Dindo Balares, dating entertainment editor at malapit na kaibigan ni Kris Aquino. Kinuwestiyon niya ang panlalait kay Joshua at binigyang-diin na hindi kilala ng mga nagbigay ng negatibong komento ang tunay na pagkatao nito.


Ani Dindo, “Ano’ng sukatan ng mga taong walang kuwenta? Kung may nilalait at pinagkakatuwaan ba tayong kapwa na may disability, tayo ang kahanga-hanga at wala nang kuwenta ang taong ginagawa nating katatawanan?


“Maraming netizens na nagmamalasakit na nagpapadala sa ‘kin ng link ng ilang kalalakihan na tinawag na walang kuwenta si Kuya Josh, ang panganay ni Kris Aquino.


“Walang idea ang mga lalaking ‘to kung sino si Kuya Josh, pero hintayin nila kung sinu-sino pa ang mga nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya.


“Ang mga tao at pamilyang ‘to ang ‘di naisusulat o naiuulat na kusa o boluntaryong kumukupkop at nag-aalaga kay Kuya Josh tuwing nasa ibang bansa at nagpapagamot ang kanyang Mama Kris at ayaw n’yang bumiyahe. Gentle giant at pinalaking magalang at mapagmahal si Kuya Josh, kaya paborito s’ya ng kanilang mga kaibigan at pamilya.

“Maging kami ng pamilya ko, nakahanda ring mag-alaga sa kanya anumang oras o panahon.


“Umiiwas pa sa sobrang stress si Kris, kaya marami s’yang pinapalampas na mga isyu para sa pagbuti ng kanyang iniindang karamdaman.


“Alam na ng lahat na matitiis n’ya ang kahit na anong lait sa kanya, pero ‘wag mo lang kakantiin ang kanyang mga anak.


“Lahat ng ina sa kahit na anong species ng animal kingdom, ‘pag kapakanan na ng anak ang nakasalalay, makakakita ka ng pangil.


“Pero bilang isa sa mga nagmamahal sa mag-iina, sana’y ipaubaya na lamang muna ito ni Kris sa kanyang mga abogado.”

Bukod kina Darla at Dindo, nagpahayag din ng suporta kay Joshua ang showbiz vlogger na si Loi Villarama, o mas kilala bilang Mama Loi, na co-host ni Ogie Diaz sa digital talk show na Showbiz Update sa YouTube (YT).


Sa kanyang social media post, iginiit ni Mama Loi na may halaga si Joshua at hindi nararapat na maliitin ang kanyang pagkatao.


Ani Mama Loi, “MAY KUWENTA SI KUYA JOSHUA! Dahil pinalaki silang dalawa ni Bimb ng mama nila na si Ms. @krisaquino na may takot sa Diyos, may pagmamahal sa puso at paggalang sa kapwa.


“His heart is pure. He prays all the time. At never s’yang mangyuyurak ng ibang tao! At ‘di s’ya nakatunganga lang! He is very happy taking care of his mama.


“Kaya mas may kuwenta pa si Kuya Joshua compared sa ibang tao na masama ang budhi at bulok ang pag-iisip.”


Tumpak ka r’yan, Mama Loi. Mahal ng madlang people si Kuya Joshua.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page