TV host, kahit mas unang nakagawa ng movie roon… KATHRYN, NAUNAHAN PA SI KRIS NA MAGKA-WAX FIGURE SA HK

Updated: 2 days ago
ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 16, 2026

Photo: IG _bernardokath
Nasa Season 11 na pala ngayon, simula sa October 25, ang very successful and award-winning lifestyle and travel show hosted by Valerie Tan, ang I Heart PH na napapanood sa GTV every Sunday at 11:30 AM.
Sa ginanap na mediacon yesterday sa Winford Hotel para sa bagong season ng I Heart PH, ibinalita ng TV host na Hong Kong adventure naman ang ipi-feature nila sa show this time kung saan ka-collab nila ang Hong Kong Tourism Board (HKTB) para maipakita ang iba’t ibang magagandang pasyalan sa HK, ganu’n din ang modern lifestyle roon at ang masasarap na food na dinarayo ng mga turista.
Four episodes ang mapapanood sa I Heart PH na magpi-feature ng adventure ni Valerie sa HK.
When asked kung sino ang gusto sana niyang makasama roon para ma-explore ang HK, inamin niyang si Kris Aquino dahil super idol daw niya ito.
Matagal na raw niyang hinahangaan si Kris dahil kayang-kaya nitong makipag-usap kahit kanino – mapasa-masa o sa pinakamataas mang tao. Si Kris din daw ang nagpauso nu’ng “Be yourself” bago pa man ito i-adapt ng iba.
And when asked kung sino namang HK celebrity ang gusto niyang ma-interview, of course, ang action superstar daw na si Jackie Chan! Gusto raw malaman ni Valerie ang buhay nito hindi lang bilang artista kundi bilang tatay din.
At sa tanong namin kung sino ang Fililpino celebrity na puwedeng mag-represent sa ‘Pinas sa Hong Kong, ani Valerie, naniniwala siyang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang pinaka-da best dahil kilalang-kilala sila ng marami ru’n nang gawin nila ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.
Hindi nga lang masagot ni Valerie kung bakit nga ba si Kathryn lang ang may wax figure sa Madame Tussauds sa HK samantalang dalawa naman sila sa movie.
At kahit ang HKTB Regional Director for Southeast Asia na si Ms. Chian Jia “CJ” Liew na nandu’n din sa mediacon, clueless nang tanungin namin kung bakit sa tingin niya, si Kathryn pa lang ang may wax figure kasama nina Sen. Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach, Catriona Gray at Anne Curtis, gayung nasabi ni Valerie na sikat na sikat din si Kris Aquino sa HK.
Remember, gumawa rin ng movie si Kris noon sa Hong Kong, ang Magic to Win kasama ang mga HK actors na sina Raymond Wong, and Roger Kwok.
Well, sabi na lang ni Ms. CJ, hindi siya ang tamang taong makakasagot sa criteria ng Madame Tussauds.
Ang masasagot daw niya ay ang mga tourist spots sa Hong Kong na magandang puntahan bukod sa sikat na sikat na HK Disneyland.
Well, sa mga first-timers sa HK, better watch I Heart PH para at least, bago kayo magpunta ru’n ay may itinerary na kayo at hindi mag-waste ng time and money.
Ang I Heart PH ay produced ng TV8 Media Productions.
Taga-Visayas, ‘di na kailangang tuntunin…
KASAL NG GUWAPONG AKTOR SA BYUTING SEXY ACTRESS, RICH GAY BENEFACTOR ANG GUMASTOS
BLIND ITEM:
HINDI na bago ang kuwento ng mga guwapong aktor na pumapatol sa rich gay.
Kahit pala nu’ng ‘90s, usung-uso na rin sa mga kabataang aktor noon ang pagkakaroon ng rich gay benefactor dahil hindi naman regular ang kita sa showbiz.
Paldo sila kung sunud-sunod ang mga projects mapasa-movies o TV. Pero ‘pag natapos ang isang project at wala pang kasunod, paano na?
Kaya ‘yung guwapong aktor na in fairness ay aktibo pa rin naman ngayon, although tatay roles na lang lagi ang naibibigay sa kanya, eh, nabuhay din pala dahil sa tulong ng rich gay businessman na kilala sa Kabisayaan.
May ilang branches ng motor shop sa Visayas ang rich gay at matagal niyang nakarelasyon ang guwapong aktor na magaling ding umarte.
Minahal nang todo ng rich gay ang kanyang poging papa at lahat ng luho nito ay bigay-todo siya.
Pero dumating ang time na na-in love si guwapong aktor sa magandang aktres na super sexy naman kasi nu’ng kanyang kabataan at isa sa mga pinapantasya noon. Sineryoso ng guwapong aktor ang sexy actress at umabot nga sila sa pagpapakasal.
And would you believe, ang rich gay businessman pa pala ang gumastos sa magarbong kasal ng guwapong aktor at magandang sexy actress!
Wow! Ibang magmahal ang rich gay businessman at nang magdesisyon ang aktor na mag-aasawa na nga ay buong-puso siyang nagparaya.
Ayon sa aming source, knows ni wifey ang nakaraan ng guwapong aktor at tanggap niya ito. Hindi na rin niya kailangang tuntunin pa kung nasaan ang rich gay businessman dahil masaya na ito sa buhay niya ngayon.





Comments