top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Lakers, pinaiyak ng Suns; PHI-NADO, mas mahigpit

BULGAR
Oct 12, 2021
2 min read

ni MC - @Sports | October 12, 2021



Hindi pinaporma ng Phoenix Suns ang Los Angeles, 123-94, sa kanilang NBA exhibition games kahapon. Agad tinambakan ng Phoenix ang Lakers pero agad din nitong nabura ang kalamangan.


Umiskor si Chris Paul ng 15 point at five assists para sa Suns na agad na lumamang ng double digit kontra Lakers, 37-20, pero agad din itong nabawi sa 3rd period. Ito na ang pangalawang panalo ng Suns sa tatlong preseason games habang nanatili naman na walang panalo ang Lakers sa apat na laro. Kumamada si Landry Shamet ng 13 points habang si Jalen Smith at JaVale McGee ay umabag ng tig-12 points para sa Suns. Naglaro si Anthony Davis ng 28 minutes at tumarak ng 19 points, six assists, three rebounds at three steals para sa Lakers habang si Carmelo Anthony ay may 17 points matapos kumama ng limang 3 pointers.


Samantala, tiniyak ni Dr. Alejandro Pineda, tagapangasiwa ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO), na natutugunan at nasusunod ng organisasyon, sa masinsin na pakikipagtulungan ng pamahalaan ang lahat ng pamantayan para masiguro na napapatupad ang Anti-Doping Code ng World Anti-Doping Agency (WADA).


Inamin ni Pineda na mahigpit ang WADA sa pagpapatupad ng Anti-Doping Code sa lahat ng bansang kasapi dahil sa maselang aspeto na direktang makakaapekto sa mga atleta at sa organisasyon na kinasasapian nito.


“We are working hard to make PHI-NADO compliant with the Anti-Doping Code,” pahayag ni Pineda, kinatawan din ng bansa sa Southeast Asian Region Anti-Doping Organization (SEA-RADO).


Iginiit ni Pineda na patuloy ang isinasagawang seminars, webinars at iba pang pamamaraan, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) para maipabatid sa atleta, coaches, officials at iba pang stakeholders ang pangangailangan na maging edukado sa mga panuntunan ng WADA at maging responsable para palawakin ang kaalaman sa mga uri at aspeto ng mga gamot na mahigpit na ipinagbabawal sa international competition.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page