top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Laglag sa movie ni Jo Koy… SHARON, TANGGAP NA 'DI PA SIYA PANG-HOLLYWOOD

BULGAR
May 23, 2021
1 min read

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 23, 2021




Bigo man si Sharon Cuneta na mapasama sa pelikulang ididirek ng world famous director na si Steven Spielberg, na ang istorya ay tungkol sa sikat na Fil-Am YouTuber na si Jo Koy, maluwag naman niya itong tinanggap.


Hindi naman ito makakabawas sa kanyang stature bilang Megastar. Nasa itaas pa rin siya ng pedestal sa local cinema.


Sabi nga ng kanyang mga loyal supporters, “nothing to prove” dahil narating na niya ang peak ng kanyang career. At bonus na lang kung makakasama siya sa isang Hollywood movie at ididirek ng isang Steven Spielberg.


Hindi naman siguro maba-bash si Shawie dahil sa naudlot na malaking project abroad. Huwag naman sanang maging judgmental ang ilan nating kababayan. Huwag ipagbunyi ang kabiguan ni Mega sa kanyang Hollywood dream.


Kahit naman sinong local artist ay matutuwa at mae-excite kapag kinonsidera at inalok na lumabas sa malaking foreign movie. Wish lang ng mga fans ni Megastar ay 'wag ma-depressed ang kanilang idolo dahil sa hindi niya pagkakatuloy sa Jo Koy movie. Posibleng may malaking kapalit naman ito kaya hindi natuloy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page