top of page
TEKA NGA - MANONG CHAVIT, UMAMING NAUUBOS ANG DATUNG SA MGA BEAUTY QUEENS-FB Luis Chavit S

Lacson, panay atake kay Cayetano, Dizon nilinaw na walang ‘ghost projects’ sa Taguig

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 29, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MAGAGALIT TALAGA SI SEN. LACSON KAY SEC. DIZON KASI PANAY ATAKE NIYA KAY CAYETANO NA MAY MGA GHOST PROJECTS SA TAGUIG, TAPOS SASABIHIN NG DPWH SEC., WALA! — Umuusok sa galit si Sen. Ping Lacson kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa ginawa nitong tila paglilinis sa pangalan ni Sen. Alan Cayetano matapos sabihing walang "ghost projects" sa Taguig City.


Magagalit talaga si Lacson kasi panay atake niya kay Cayetano na may mga "ghost projects" daw sa Taguig, tapos sa statement ni Dizon ay nilinaw na walang "ghost" projects sa lungsod, boom!


XXX


SABLAY ANG PAKIKIISA NG PILIPINAS SA PAG-WALKOUT SA UN LABAN KAY ISRAEL PM NETANYAHU — Sablay ang ibinida ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nag-walkout bago ang pagdeliber ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ng kanyang speech sa United Nations (UN).


Ang idinahilan ni DFA Sec. Tess Lazaro na ang pagsama raw ng Pilipinas sa walkout ay bilang protesta sa patuloy na pag-atake ng Israel forces sa Gaza, Palestine.


Kaya natin nasabing sablay ang pag-walkout ng Pilipinas kasi malaki ang pakinabang ng Philippines sa Israel na nagbigay ng trabaho sa mahigit 26,000 Overseas Filipino Workers (OFWs), kumpara sa Gaza, Palestine na 46 lang ang Pinay na nandito, hindi sila mga OFW's. kundi asawa sila ng mga Palestino, period!


XXX


PHILIPPINES IMBES MAGPASALAMAT SA ISRAEL, PINAG-WALKOUT-TAN PA SI ISRAEL PM NETANYAHU — Ang patuloy na pag-atake ng Israel forces sa Gaza ay para ubusin ang mga teroristang Hamas na nasa bayan na ito ng Palestine upang hindi na maulit ang ginawang pagsalakay at pagmasaker ng mga terorista noong Oct. 7, 2023 sa mahigit 1,200 katao sa Israel, karamihan sa mga minasaker ay mga Israelis at iba't ibang lahi, at kabilang sa pinatay ay apat na Pinoy.


‘Ika nga, imbes pasalamatan ng Pilipinas ang Israel dahil kabilang ang mahigit 26,000 OFWs sa binibigyan ng proteksyon sa bansang ito, eh mantakin n'yo, naki-join pa ang Philippines sa mga bansang nag-walkout sa UN laban kay PM Netanyahu, tsk!


XXX


PANANDALIANG SAYA NG MGA INCUMBENT BRGY. OFFICIALS KASI NATUWA SILA NANG PIRMAHAN NI PBBM ANG BSKE POSTPONEMENT, PERO MGA NANGAMBA RIN SA PETISYON NI ATTY. MAC — Naglulundag sa tuwa ang mga incumbent barangay officials nang pirmahan ni President Ferdinand Marcos Jr., (PBBM) ang postponement ng Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Nov, 2, 2026, pero ang kanilang tuwa ay napalitan ng pangamba matapos na isampa ni election lawyer Atty. Romy Macalintal ang petisyon sa Supreme Court (SC) na humihiling na i-reject ang pagpapaliban sa halalan upang ang BSKE ay matuloy na sa Nov. 2.


May dahilan naman talagang mangamba ang mga incumbent barangay officials kasi kapag kinatigan ng SC ang petisyon ni Atty. Mac, ibig sabihin, tuloy ang barangay election sa Nov. 2, 2026, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page