Labs mo, Nadine, nanghihinayang kaya?...
- BULGAR

- Jan 2, 2021
- 2 min read
Updated: Jan 9, 2021
JAMES, TINANGGIHAN ANG ROLE SA FAN GIRL, SINALO NI PAULO, NAG-BEST ACTOR
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 2, 2021

Hinayang na hinayang daw ang isang baguhang Kapuso talent dahil siya pala ang original choice para gumanap sa role ni Charlie Dizon sa award-winning Metro Manila Film Festival entry na Fan Girl.
Ang Kapuso newbie na si Yvette Sanchez ang nakapasa at napili out of 670 auditionees para sa papel ni Jane sa Fan Girl. In fact, dumaan na sa mga rehearsals ng eksena ang talent at nagawa na raw nito ang halos lahat ng eksena.
Pero kinailangan daw mag-back-out ni Yvette sa pelikula because of contract issues sa GMA-7 kaya ang ending, humanap ang produksiyon ng makakapalit niya’t napunta na nga kay Charlie na as we all know ay nanalong Best Actress sa 46th MMFF Awards Night.
Samantala, we also heard na hindi si Paulo Avelino ang first choice as lead actor sa Fan Girl kundi si James Reid. Tinanggihan daw ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre ang role kaya kay Pau inalok ng produksiyon.
Si Paulo naman ang nanalong Best Actor and we wonder kung nanghihinayang din ba si James na hindi niya tinanggap ang movie.
Bukod sa Best Actor and Best Actress award ay nanalo ring Best Picture ang pelikula at ang nagdirehe namang si Antoinette Jadaone ang hinirang na Best Director. The film also bagged the Best Screenplay, Best Cinematography, Best Editing and Best Sound awards.
Pero siyempre, we still don’t know kung tatanghalin din bang Best Actor and Best Actress sina James and Yvette respectively kung sila ang gumanap sa film. Mas tamang sabihin na kani-kanya talagang kapalaran ‘yan at marahil, para kina Paulo at Charlie talaga ang pelikula.





Comments