top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Labag sa batas mag-advertise ng trabaho na may nakasaad na edad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 29, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 29, 2021



Dear Chief Acosta,

Nagtatrabaho ako bilang publishing clerk sa publishing company. Nakatanggap kami ng advertisement request mula sa kompanyang nagnanais maglagay ng employment advertisement para sa trabaho ng secretary na may edad na 18 hanggang 25 years old para sa nasabing posisyon. Ano ang batas tungkol dito? Joanna


Dear Joanna,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 5(d) ng Republic Act No. 10911, na mas kilala bilang “Anti-Age Discrimination in Employment Act” na kung saan nakasaad ang sumusunod:


“Section 5. Prohibition of Discrimination in Employment on Account of Age – xxx (d) It shall be unlawful for a publisher to print or publish any notice of advertisement relating to employment suggesting preferences, limitations, specifications, and discrimination based on age.”


Ibig sabihin, labag sa batas para sa publisher na mag-print o mag-publish ng anumang notice of advertisement na may kaugnayan sa pagtatrabaho na nagmumungkahi ng mga kagustuhan, limitasyon, pagtutukoy, at diskriminasyon batay sa edad. Sa inyong sitwasyon, pinagbabawalan ng batas ang inyong publishing company na mag-print o mag-publish ng notice of advertisement para sa trabaho ng secretary na may edad na 18 hanggang 25. Ito ay sa kadahalinang itinataguyod ng batas ang pagtatrabaho ng indibidwal batay sa kanilang kakayahan, kaalaman, kasanayan at kuwalipikasyon kaysa sa kanilang edad.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page