top of page
Search
BULGAR

KYLIE, UMAMING NAKIPAGLABAN PARA I-SAVE ANG KASAL NILA NI ALJUR, WA’ EPEK

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 5, 2023



Hindi napigilang maging emosyonal ni Kylie Padilla habang ibinabahagi ang mga nangyari sa pagsasama nila ng estranged husband na si Aljur Abrenica.


Sa guesting ng aktres sa Fast Talk with Boy Abunda ay natanong siya ng host na si Boy Abunda kung ano ang pinakaimportanteng leksiyon na natutunan niya sa naging relasyon nila ni Aljur.


“Medyo cliché, eh, but I wish nagtira ako para sa sarili ko kasi I gave my all talaga,” simula ni Kylie.


“Kaya tinanong ko bakit nagbabago because, for a time, sa relationship namin, there was a point in my life na dadaanan ninyo. Dadaanan ninyo talaga as people in relationship, you go through, you know, struggles, meron talaga. Kasama talaga ‘yun.


“But because I made the promise of marriage, even if sabi ko sa sarili ko, ‘Okay, if I’m unhappy now and magiging ganito na ‘yung setup namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko,’” patuloy ni Kylie na nagsimula nang mapaiyak.


“Inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan,” aniya.


Bilang galing din siya sa broken family, ayaw niya raw sanang mangyari rin ito sa marriage niya at nangako raw siya sa sarili talagang ipaglalaban niya ang kanyang marriage.


“I made a promise talaga to myself, eh. Kahit na I went postpartum noon and postpartum was very hard, a very difficult thing for a woman to go through, pero ipinaglaban ko pa rin hanggang sa dulo na paninindigan ko ‘yung ginawa namin na kasal and the fact na it wasn’t returned, masakit sa akin ‘yun,” she said.


Pero nangyari na ang nangyari at ayon sa aktres ay wala naman daw pagsisisi on her part.


“Walang pagsisisi kasi my kids have really a good relationship with their dad until now. And one thing that I don’t want them to go through is wala silang tatay or maramdaman nila na wala silang tatay, so wala akong pagsisisi,” she said.


“Saka I don’t wanna hold my ex, Aljur in a negative light. Never ever. Magre-reflect ‘yun sa akin,” sabi pa ng aktres.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page